Maalinsansangan ang paligid. Tanghaling tapat ngayon at ako ay naglalakad patungo sa kompanyang aking aaplayan. Medyo nagugutom na rin ako kung hindi lang sana nagkaroon ng aberya ang sinakyan kong sasakyan ay hindi ako tatanghaliin. Wala na akong oras para kumain. Kailangan kong ihanda ang aking sarili para sa interbyu sa oras na makarating ako sa ST Entertainment.
Hinihingal na ako nang makapasok ako sa kompanya. Grabe ang init talaga dito sa Pilipinas. Nagpunta ako sa palikuran para ayusin ang aking sarili at mag-ensayo na rin ng bahagya ng aking mga sasabihin. Nang makaharap na ako sa salamin, pinagmasdan ko ang aking itsura. Haggard na haggard at basa na ng pawis ang aking buhok. Namumula na rin ang aking pisngi. Naghilamos na ako at nagsimulang mag-ayos at pagkatapos ay nag-apply ako ng kaunting lipstick sa aking labi.
"Ayan mas mukha ka ng tao", sambit ko sa aking sarili. Tinitigan ko ang aking repleksyon sa salamin. Kapansin-pansin talaga ang tangos ng aking ilong at ang kulay rosas kong pisngi. Samantalang ang aking mata ay katamtaman lamang. Marami ang nagsasabi sa akin na ang aking mata ay katulad ng mata ng isang Thai. Sa palagay ko ay tama nga sila. Hindi maliit at hindi rin masasabing malaki. Ang aking labi ay hindi hugis puso ngunit desente naman ang hugis nito at natural din na kulay rosas ito. Hindi ako mahilig mag-lipstick nung ako ay highschool at kahit na nung tumuntong na ako ng college. Ayaw ko kasi na magbago ang natural na kulay ng aking labi dahil ganoon ang nakikita ko sa aking mga kaibigan na mahilig gumamit ng liptint at lipstick. Pero dahil espesyal ang araw na ito at kailangan kong magmukhang tao sa harap ng mag-iinterbyu sa akin ay naglagay ako ng kaunti. Bilog ang hugis ng aking mukha. Mahaba ang aking blonde na buhok at kasalukuyang nakapuyod ito para mas malinis at presentable ang aking itsura. Kasalukuyan akong nakasuot ng white na longsleeve samantalang maong na pantalon naman ang aking pambaba. Nakasuot ako ng heels na may dalawang pulgada ang taas. Ang tanging aksesorya na aking suot ay relo na regalo pa sa akin ng aking kapatid nung ako ay nakapagtapos ng kolehiyo.
Mahaba na ang pila ng makarating ako sa palapag kung saan gaganapin ang interbyu. Unti-unti na ring lumalakas ang kabog ng aking dibdib. Kailangan ko kumalma. Huminga ako nang malalim at tumindig nang maayos. Inayos ko na rin ang aking mga papeles at nag-ensayo ulit. Mag-aalasingko na ng hapon at ako na ang kasunod. Kalmado na ako at memoryadong memoryado ko na rin ang aking mga sasabihin sa tagal ng paghihintay ko sa pila. Nawala na rin ang aking gutom dahil sa kaba ko kanina. Napukaw ang aking atensyon nang lumabas na ang naunang aplikante sa akin. Dali-dali akong pumasok sa silid.
"Magandang umaga po" bati ko nang marating ko ang ang mesa ng mag-iinterbyu. Dahan -dahan akong umupo sa bangkong nasa kanyang harap. Isang babaeng nasa edad na singkwenta na ang nag-iinterbyu. Nakasuot siya ng salamin. Masungit at mataray ang aking hinuha sa mag-iinterbyu sa akin ngayon ngunit taliwas ito sapagkat maaliwalas ang kanyang mukha at mukha siyang mahinahon at mabait. "Okay, tell me your name, your background and why do you want to work in this company." mahinahon niyang sabi sa akin.
Ngumiti ako sa kanya at tumingin sa kanyang mga mata. "My name is Selena Zera. I am 23 years old. I graduated as magna c*m laude last March in Malaya University with a bachelor degree in communication. During my college years, I was part of the student council and was a journalist in our school newspaper... I actually also did my intern in this company last summer. I was an assistant writer in some of the reality tv shows and also was a part of the broadcasting team. The reason why I wanted to work here is because I enjoyed my stay here when I was an intern. I think it would also be nice to continue and start my journey in this company since I have already familiarized myself with the environment and people around here. At the same time, I know I can grow and develop my skills to the fullest if I become part of this company as this company is considered to be one of the outstanding companies here in our country." Nakangiti kong sagot sa kanya.
Tumatango-tango naman siya at isa-isang binasa ang nakalagay sa aking resume at application documents. Medyo may kabog sa dibdib ko habang ginagawa niya yun. Makalipas lamang ang limang minuto ay tumingin ulit siya sa akin. "I am impressed with your resume Ms. Zera. I think hindi ko na kailangang itanong sayo ang mga strengths and weaknesses mo. Well, we would be happy to have you as part of this company. You are hired." Nakangiti niyang sabi sa akin.
Nanlaki ang aking mata ngunit pinilit kong kumalma. "Thank you, ma'am. I am truly grateful. I'll do my best in exchange for giving me this opportunity." Masaya kong sagot sa kanya.
"Congratulations. I look forward to that." Wika niya at inabot ang aking kamay.
Kasalukuyan akong nasa sasakyan ngayon. First day ko ngayon bilang writer sa ST Entertainment Media Company. Tumingin ako sa aking relo, 7:30 am na sa tingin ko naman hindi ako mahuhuli sa pagpasok. Tuwing 8:30 am ang simula ng aking pasok at 8:00 pm naman ang tapos ng aking trabaho. Tumigil na ang jeep sa tapat ng aming kompanya. Bumaba na ako at naglakad patungo sa entrance. Tinap ko ang aking id at dire-diretso na sa paglalakad. Nasa ika-pitong palapag ang aming opisina kaya kailangan ko pang mag-elevator. Saktong alas-otso ng pumasok ako sa aming room. May dalawang na tao na roon na nakapuwesto sa conference area. Busy sila sa pagkukuwentuhan kaya hindi nila ako napansin.
"Good morning" masigla kong bati sa kanila. Agad silang napatingin sa akin. "Ikaw na ba ang bago naming writer?" Tanong ng isang babaeng sa tingin ko matanda lang sa akin ng dalawang taon.
"Ako nga" sagot ko nang medyo nahihiya.
"Ay pak! Maganda infairness!" sabi ng isa pang babae habang umiikot siya sakin para tingnan ako. Nang tumigil na siya sa aking harap ay ngumiti siya at saka bumalik sa pagkakaupo. Sa tingin ko ay nasa 30 na siya pero halata mo sa kanya ang pagkajolly. Umupo na rin ako sa tabi nila at tiningnan ang kanilang name tag. "Anne" sabay baling ko sa aking katabi "Ella" nakangiti silang tumingin sa akin at binasa rin ang aking name tag. "Selena" sabay nilang sambit at tumango tango naman ako. Medyo nahihiya pa ako makipagkuwentuhan sa kanila kaya tiningnan ko lang sila nang magsimula na ulit silang magkuwentuhan. Paminsan-minsan ay tinatanong nila ako at sinasagot ko naman sila. Mga artista ang kanilang napag-usapan marahil na rin siguro dahil isa itong entertainment company.
Natigil ang aking pagmumuni-muni ng dumating na ang aming boss. Umupo siya sa pinakadulo ng table. Medyo marami na rin kami. Sabay-sabay kaming tumayo at bumati sa kanya. Pagkatapos ay umupo na rin kami ulit.
"Is the new writer here already?" tanong niya habang tumitingin tingin sa amin. Tumigil siya sa direksiyon ko.
"Introduce yourself" wika niya nang hindi ngumingiti. Kinabahan tuloy ako bigla.
"Yes, ma'am" dali dali akong tumayo at tumindig nang maayos. "Good morning to each and everyone. I am Selena Zera your new writer." Pagkatapos kong sabihin yun ay umupo na agad ako. Tumango lang ang aming boss na si Ms. Pia pagkatapos kong sabihin yun. Tumingin agad ako sa kanyang name tag para matandaan ko ang kanyang pangalan. Hula ko nasa 40 years old na siya. Mukha siyang strikto dahil hindi siya ngumiti sa buong pagpupulong na ginawa namin.
"Meeting adjourned" wika ni Ms. Pia matapos naming magpulong nang mahigit isang oras. Nagsitayo na kami at nagulat ako nang tumingin siya sa aking direksiyon.
"Ms. Selena, can I talk to you?" seryoso niyang tanong sa akin.
“Yes, ma'am. Where should we talk?" Tugon ko at sinenyasan niya ako na sumunod. Dali dali akong sumunod sa kanya.
Naglakad kami ng kaunti at tumigil sa may kabilang conference room. Bukas ito at walang tao. Mukhang mahalaga ang kanyang sasabihin.
"I'm sorry Ms. Selena but there are some errors made during the hiring process. I already hired someone to be our new writer. In my dismay I have already reported it to the HR and I didn't know that they have already hired someone which is you. We cannot accommodate both of you so I have to let one of you go. I know that you still haven't signed the contract." seryoso niyang sabi sa akin. Natameme ako sa kanyang sinabi at naghahanap ng salitang pwede kong isagot.
"M-ma'am are you firing me?" Paputol-putol kong sagot.
"Yes, but not really. I know it is your first day here and you have already anticipated working in this company. Well, if you would accept, I can recommend you to someone but the problem is, it is not related to your field of work.
“Tumigil siya na parang nag-iisip kung paano ico-compose ang kanyang sunod na sasabihin.
"An artist is looking for a Personal Assistant. Don't you worry because the pay is higher than your current job now. What do you think?" Nagulantang ako sa kanyang sinabi. PA? PA? Personal Assistant? Never in my life did I imagine myself being a personal assistant. Mula pagkabata pagiging writer paglaki ang pinangarap ko. Naghalong pagkainis at pagkalungkot ang nararamdaman ko ngayon. Gusto kong magalit ngunit di ko magawa dahil ayaw kong masabihan na wala na akong respeto. Kinalma ko ang aking sarili at nag-isip ng sasabihin. Nakatingin pa rin si Ms. Pia sa akin at naghihintay ng sagot. Kita ko sa kanyang mukha na nag-aalala rin siya sa mangyayari sa akin dahil alam niyang kasalanan naman niya. Kita ko rin sa kanyang ekspresyon na natatakot siyang humindi ako. Inayos ko ang aking tindig bago magsalita.
"Who's the artist?" wala na akong ibang maisagot sa kanya dahil naiirita na ako. Gusto ko na magwala dream job ko ito at sa unang araw ko pa talaga ako natanggal. Arghhhh! Puro reklamo na ang laman ng aking utak ngunit tiyak akong hindi ito nababakas sa aking mukha kaya kampante akong nakatingin ngayon sa mata ni Ms. Pia. Mukha siyang nakahinga nang maluwag nang sabihin ko iyon.
"I honestly do not know who's the artist Ms. Selena but --- I can let my assistant accompany you later." Nakangiti niyang sabi. Para na siyang anghel ngayon sa aking harap sa tingkad ng ngiti niya. Problem solved na siguro iniisip nito. Well, tinanong ko lang naman kasi wala akong maisagot kanina.
Tumingin siya sa kanyang orasan at nagulat. "Oh, I'm sorry Ms. Selena but I have to go now. Go to my office later at 3 pm and look for my assistant her name is Michelle. I'll tell her about you so just look for her later. I'm going now, goodbye." at dali dali na siyang tumalikod.
Tumango na lamang ako sa kanya bilang paggalang kahit na nanggagalailiti ako sa inis. So paano na? Tanong ko sa sarili ko. Napahilamos ako nang kamay at gigil na kinuha ang aking bag at nagkunwaring ibabato iyon sa kanya. Syempre di ko itinuloy baka ma-ban ako rito. Mukha namang mabait siya at concern siya sa mga employee ng kompanyang ito kaya sige papatawarin ko siya. --Teka ang bilis ata. In the future nalang.
Naglilibot-libot ako ngayon dito sa mall. Katatapos ko lang kumain ng tanghalian. Wala naman akong ibang matatambayan kundi dito sa mall. Ang pangit naman kung tatambay ako sa office ni Ms. Pia baka isipin pa niyang bukas sa loob kong tinatanggap ang kanyang offer. Well, HINDI. No choice lang.
"Hays ang tagal naman mag-alastres" bulong ko sa aking sarili. Pagod na akong magpaikot-ikot at halos nauli ko na rin lahat ng sulok nitong mall. Ang ganda siguro kung hindi ako nasesante kasi ang lapit lang nitong mall sa office. Pag nasstress ako pwede ako tumakbo rito para magpalamig at magpawala ng stress. Umupo ako sandali sa isa sa mga upuan sa mall. Tiningnan ko ang mga taong nadaan pinagmasdan ko lang sila dahil wala na akong magawa. Maya maya pa ay napagdesisyunan ko nang maglakad papuntang office.
Naglalakad na ako patungo sa opisina ni Ms. Pia. Napatingin ako sa aking relo 2:45 pm palang ngayon. Maghihintay nalang siguro ako sa labas ng opisina ni Ms. Pia. Tumigil ako sa labas ng opisina at naupo sa seats na nasa labas nito. Maya maya ay may lumabas na babae. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa maglaho siya sa paningin ko. Mukha na akong tanga dito sa labas ng office ni Ms. Pia. Hindi ganito ang first day na inasahan ko. Hays.
"Are you Ms. Selena?" napatingala ako nang marinig ko ang tanong na ito. Napatingin ako sa name tag ng babaeng nagsalita. Nakita kong Michelle ang nakalagay dito kaya't napagtanto kong siya ang assistant ni Ms. Pia. Siya rin pala ang babaeng sinundan ko ng tingin kanina. Tumayo na ako sa aking pagkakaupo at tumango sa kanya.
"Ms. Pia told me to look for you para samahan ako." medyo awkward kong sabi.
"Yes, pwede na kitang samahan now. Tara na." nakangiti niyang sabi at umuna na siya ng lakad.
Sinundan ko lang ang assistant ni Ms. Pia hanggang sa tumigil kami sa isang pinto. Kumatok siya nang tatlong beses at binuksan ito. Sumisilip ako sa loob nang lumingon siya sa akin. Natawa siya sa itsura ko na parang nakiki-usyuso kung ano ang nasa loob.
"Pumasok kana." Natatawa niyang sabi. Umuna na ako sa kanya at pumasok sa loob. Nilibot ko ang aking mata. Ganitong-ganito ang set-up na nakikita ko sa tv kapag pinapakita ang mga artista sa backstage. May salamin na puno ng ilaw. May hairstylist at make-up artist, ang pinagkaiba nga lang ay wala silang minemake-upan ngayon. Nakaupo ang iba sa kanila at ang iba naman ay nakatayo. Maingay ang kwarto at puro tawanan. Lumapit si Michelle sa isa mga nakatayo sa di kalayuan sa amin. May binulong siya rito at tumango naman ito pagkatapos ay nagsimula na silang lumakad papunta sa direksyon ko.
"Siya ba?" tanong ng babaeng naka-itim na damit. May katabaan siya at at mas maliit sa akin. Isa siya sa mga tumatawa kanina.
"Oo" sagot ng assistant ni Ms. Pia. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Sigurado ka?" Tanong niya sa assistant ni Ms. Pia. Nagtataka siguro siya kung bakit ganito ang ayos ko. Nakapang-office kasi ako at may suot pa akong id. Natatawang tumango ang assistant sa kanya habang ako ay nakatingin lang din sa kanila.
Ngumiti ako nang bahagya ng tumingin ulit sa akin yung babaeng naka-itim. "Halika" sabi niya sakin. "Salamat Michelle, ako na bahala rito." Tumango lang si Michelle at umalis na.
Sumunod lang ako sa babaeng naka-itim. Tumigil siya sa may harap ng isa pang pinto. Gusto ko nang itanong sa kanya kung sino ba yung artistang naghahanap ng PA kaso nahihiya ako. Nasa likod niya lang ako nang buksan niya ang pinto. Nakasunod ako sa kanyang pumasok sa panibagong room.
"Madame andito na yung pinadala ni Ms. Pia na PA." malakas na sabi nung babaeng naka-itim. Tiningnan ko ang paligid parang dito nagpapahinga ang mga artista. Nakita kong lumalapit sa akin yung babaeng tinawag na madame ng babaeng naka-itim. May hawak siyang mga papel na kinuha niya kanina sa kanyang bag. Halos magkasing-tangkad lang kami. Mukha siyang 40+ at hindi naman siya mukhang masungit. Nakatingin siya sa akin kaya ngumiti at nag-bow ako ng kunti sa kanya. Nanatiling nakangiti ako habang nalapit siya. Syempre awkward na naman. Hindi ko alam paano ako kikilos. Medyo nagigimbal pa ako sa mga nangyari ngayong araw na ‘to. Di ko naman akalain na ang dami ko palang mame-meet na tao sa araw na ito.
Malapit na siya sa akin nang biglang bumukas ang pinto sa kabilang dulo ng room. Napalingon ako roon at nakitang lumabas si--- Si Matthew! Sinundan ko siya ng tingin. Hindi ko alam kung totoo ba tong nakikita ko. Alam kong matangkad siya pero mas matangkad siya sa personal. Wavy ang kanyang buhok. Agaw pansin ang kanyang matangos na ilong. Mapupungay ang kanyang mga mata at mahaba ang kanyang mga pilik. Kapansin pansin din ang kanyang makapal na kilay. Pansin na pansin ko rin ang kanyang jawline ngayong naka-side view siya sa direksiyon ko. Sobrang puti at kinis ng kanyang balat. Hindi bastang puti. Namimink pa! Grabe! ang... gwapo!
"Si Matthew ang aasistihan mo. Alam mo na ba?" Nabalik ako sa aking sarili nang magsalita na ang babaeng may hawak ng mga papel.
"Alam kong gwapo ang aking alaga kaya di na ako magtataka na napanganga ka kanina." pabiro niyang sabi sa akin. Nahiya ako sa kanyang sinabi. Nakanganga na ba ako kanina? Shocks! Nakakahiya!
"Hindi ko po alam, kaya nagulat ako. Pasensya na po." Sabi ko nalang sa babaeng kausap ko. Ngumiti lang siya sa akin na parang may halong pang-aasar dahil nahuli niya akong titig na titig kay Matthew. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa ni Matthew. Ewan ko ba hindi maalis ang mata ko kay Matthew.
"Unang beses mo bang makakita ng artista iha?" Tanong niya sa akin.
"Ah hindi po." Nahihiya kong sabi. Totoo naman yun. Mahilig ako manood ng concert kaya marami na rin akong celebrities na nakita at saka nagtrabaho rin ako sa tv shows dati.
"Hindi halata." Sagot niya sakin habang kunwaring nakikiusyuso at patingin tingin din kay Matthew. Mas lalong uminit ang aking pisngi sa sinabi niya. Ramdam kong namumula na ito kaya umiwas na ako ng tingin sa kanya. Hindi ko alam kung saan ako dapat tumingin.
Humarap ulit siya sa akin. "Narito ang mga papeles na kailangan mong pirmahan at basahin bago ka maging opisyal na assistant ni Matthew." Sumeryoso na siya ngayon. Agad kong tinanggap ang mga papel at nagkunwaring binabasa iyon.
"Salamat po." Tipid kong sagot. Hindi siya sumagot kaya tumingin ako ulit sa kanya. Nakatingin siya kay Matthew. Napansin niya yatang nakatingin ako sa kanya kaya tumingin ulit siya sakin.
"Kailan ko po kailangang ibigay ito?" Tanong ko.
"Pwedeng ngayon. Hindi ka ba sigurado?" Nagtataka niyang tanong. Sasagot na sana ako nang bigla siyang umimik ulit.
"She will be your new assistant if she signs the contract." May halong pangloloko sa tono ng kanyang boses. Hindi na siya nakatingin sa akin. Unti-unti akong tumingin sa aking gilid at nakita kong nakatayo na si Matthew sa harap namin. Biglang kumabog nang malakas ang aking dibdib. Pakiramdam ko ay pinapawisan ako sa kaba. Ramdam ko rin ang pag-init ng aking pisngi nang magkasalubong ang aming mga mata. Nakatingala akong nakatingin sa kanya dahil hanggang balikat niya lang ako. Ang ganda ng mata niya. Pero mas naging agaw pansin ang mga biloy sa kanyang pisngi nang ngumiti na siya sa akin. Teka! Nakangiti siya sa akin! Parang nagwawala na ang sarili ko este ang kaluluwa ko. Hindi ko alam kung ano na ang itsura ko sa harap niya. Dahil ang tanging nakikita ko lamang ngayon ay ang mala anghel niyang mukha at nakakalusaw niyang ngiti.
"Hi, nice to meet you." Nakangiti niyang sabi. Nakita kong inabot niya ang kamay niya sa akin. Napatitig ako doon. Mahahawakan ko ang kamay niya! Totoo ba ‘to? Natauhan ako ng sikuhin ako ng babaeng nakausap ko kanina. Dali dali kong inabot ang kanyang kamay. Grabe ang lambot. Nakakahiya naman sa kamay kong puro kalyo. Parang gusto kong lumubog sa lupa.
Hindi ko napansin na nakatulala pa rin ako sa kanya at hawak ko pa rin ang kamay niya. Tinaas niya ang kilay niya na para bang hinihintay niya ang sasabihin ko. Natauhan ulit ako at napabitaw sa kanyang kamay.
"Hello... s-sir. N-nice to meet you t-too." Nauutal kong sabi. Hindi ako makangiti dahil sa hiya. Nanatiling nakatingin siya sa akin. Ngumiti siya at tumango. Lumabas na naman ang kanyang malalalim na biloy. Grabe parang hihimatayin na ako ngunit bago pa man mangyari yun ay nakapagpaalam na siya. Thank God!
Pagkatapos kaming kausapin ay dumiretso na siya sa pinto. Pero bago siya tuluyang makaalis ay lumingon ulit siya at tumingin sa amin. Hindi ko alam kung sino sa amin ng babaeng nagbigay sa akin ng papel. Basta sa amin.
"Anyway I think hindi pa tayo nakakapagpakilala. I'm Mrs. Cecilia Vasquez, the manager of Matthew." Manager? Tama ba rinig ko manager? Napatakip ako ng bibig at alam kong halata niyang nagulat ako.
"Pasensya na po. My name is Selena Zera. Nice to meet you, ma'am." Nagmamadali kong sabi.
"Ano pipirmahan mo na ba? Alam kong isa kang writer at hindi PA ang trabahong inapplyan mo." mahinahon niyang sabi sakin.
"Alam niyo po?" Gulat kong tanong.
"Oo, Ms. Pia is my friend. Nabanggit niya sa akin yung tungkol sayo. And yung problem niya na dalawa ang nahire na writer that is why binigay ko agad sayo ang papel. Hindi mo na kailangan sumailalim sa background check at interview since recommended ka na rin ni Ms. Pia. It's up to you if you will accept the job or not. With regards naman sa tasks mo may gagabay naman sa’yo in the first weeks." Napaisip ako. Tatanggapin ko ba? Hindi ko alam, yan ang sabi ko sa sarili ko.
"You can read the content of the contract first Ms. Selena. Maaga pa naman dito ka muna. If nakapag-decide ka na you can give it to Ms. Bea." Sabay turo niya sa babaeng naka-itim. So Bea pala ang pangalan niya.
"Okay ma'am." Lumabas na siya ng room at wari ko ay sumunod na siya kay Matthew since siya pala ang manager. Umupo na ako sa sofa na nakita ko at nagsimulang magbasa. Inabot ako ng labinlimang minuto sa pagbabasa. So far wala naman akong nakitang problema sa mga nakasulat sa papel pero kailangan ko pa rin pag-isipan nang mabuti. Ibang career ito. Ibang-iba sa career na natapos ko. Magiging result-oriented nalang ba ako o career-oriented pa rin? Hmmm Maaari ka pa namang mag-apply sa ibang kompanya sabi ko sa sarili ko. Hindi talaga ito ang forte ko. Saka wala pa akong gaanong idea kung ano ang mga ginagawa ng isang PA. Mas mabuti sigurong ipabauya ko na ang opportunidad na ito sa iba. Saka isa pa, parang hindi ko kayang harapin si Matthew araw-araw. Ngayon pa nga lang kabadong kabado na ako ano pa kaya kapag lagi na kaming magkasama. Hays. Saka naka-move on na ako sa kanya. Tatlong taon din akong nabaliw sa kanya kahit na may bago na akong celebrity crush hindi pa rin malabong mahulog ako sa kanya. Tumayo na ako. Buo na ang aking desisyon. Hindi ako pipirma.
Naglakad na ako palabas ng room nang bigla akong mapatigil sa pinto. "Are you done signing the contract?" nakangiti niyang tanong sa akin. Para akong nahilo. Nanlalamig ang mga kamay ko. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanyang mukha. Ang ganda ng mata niya. Kulay light brown ang mga ito. Nagulat ako ng inabot niya ang mga papel na hawak ko. Napigilan ko iyon kaya hawak na namin ito pareho. Nagtataka siyang napatingin sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit ko hinigit pabalik. Ngumiti ako sa kanya pero alam ko na mukha akong natatae sa ngiti ko.
“Yung pirma!” Tuluyan kong inagaw sa kanya ang mga papel. Binigay naman niya sa akin ang mga ito.
"Yung pirma. Wala pang pirma. Ahaha" parang tanga kong sabi. Mabilis pa kay Flash kong pinirmahan ang kontrata. Nanginginig pa ang aking mga kamay dahil sa kanyang presensiya. Dali dali kong inabot sa kanya ang mga ito at kinuha niya rin agad. Binasa niya ito at tinignan ang aking pirma. Naramdaman kong nanlambot ang tuhod ko kakatitig sa kanya. Buti nalang napakapit agad ako sa may pinto.
"Are you okay? Nahihilo ka ba?" nag-aalala niyang tanong.
"Ha, ah hindi hehehe." "Okay lang ako." may pailing-iling ko pang sabi. Para akong batang nagdadahilan. Nakakahiya! Lupa kainin mo ako. Now na! Tumango lang siya sa akin habang nakangiti pa rin. BAKIT KA NAKANGITI? AHHH NABABALIW NA KALULUWA KO! kalma self, kalma. Act normal. ACT NORMAL! Umayos na ako nang tayo at straight face na tumingin sa kanya. Inuusisa niya pa rin ang mga papeles. Maya-maya ay tumingin ulit siya sa akin.
"It's complete. You can start tomorrow if it's okay to you. You can ask Ate Bea about the details." Sabay turo niya sa babaeng naka-itim.
"Okay, sir. Thank you." Nagmamadali kong sagot. May lakad ka girl?
"Okay, then see you tomorrow”, tugon niya sabay ngiti sa akin.