Nanikip ang dibdib ko nang lumuwag ang pagkakahapit niya sa baywang ko. Sa naging kilos niya, alam ko na ang ibig sabihin no’n. He used me but for what reason? Pampalipas oras? Parausan? Kasing kung oo, putang1na, ang sakit! Bakit ako? Wala akong maisip na puwedeng dahilan para gamitin niya. I’m not even associated with anyone in higher-ups. Mapait akong ngumiti nang i-angat ko ang tingin sa kanya. “Nice one, Nazz. You played well.” Bumagsak ang kamay niya. Bakas sa mata niya ang takot pero tang1na hinintay kong depensahan niya ang sarili o ‘di kaya itinanggi niya iyong sinabi ng lalaki pero wala akong natanggap. I was waiting for an explanation pero tinitigan lang niya ako ng malamig. “We’re done here, tapos na ang misyon ko sa’yo, Avisha.” Para akong nabingi sa sinabi niya. Tila nagi

