I could feel the heavy breathing of the guy. Sinubukan kong hagipin ng mata para makita ko kung sino pero masyadong madilim sa lugar na pinagdalhan niya sa’kin. Sa bilis ng pangyayari kanina, hindi ko nasundan. Sinapo ko ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko. “Don’t move or else makikita nila tayo. Nagkalat sila sa lugar para hanapin ka.” Sambit ng lalaki sa malalim na boses. Hindi siya kalaban? Bakit dito pa niya ako dinala? Ang lamok, bwesit. Natatabunan lang naman kami ng mga vines na nagmistulang design ng pader. Tinangka kong ipilig ang ulo para sana lingunin siya pero punyeta hindi niya hinayaan. Natatakot ba siyang makita ko ang mukha niya? Is he a spy? Inutusuan ba siya para protektahan ako? Nakaramdam ako ng kaba nang maalala ko si tita. Paano siya? Alam ba niya ang nangyaya

