Ako naman ngayon ang natahimik sa tanong niya. Hindi sa ayaw kong makilala ang tatay niya pero parang hindi pa ako handa. Hindi naman siguro siya magtatampo kung tanggihan ko? Kinukutuban ako sa puwedeng mangyari once magkita kami. Hindi naman sa nag-o-overthink pero parang gano'n na nga na paano kung hindi pala niya ako gusto para kay Nazzareth? "It's a no, baby?" sinalubong ko ang mga mata niya. "Okay lang naman po sa'kin. Nalaman niya kasing may girlfriend na'ko kaya gusto niyang makilala." Hindi pa rin ako umimik. Tinitimbang ko kung anong magiging reaksyon niya kung tatanggi ako o papayag. Hindi ko rin maiwasan isipin na paano kung ako pala ang maging handlang sa mga misyon na ibinibigay sa kanya ng kanyang ama? Na baka sa sobrang pagiging abala niya sa akin ay makalimutan nito a

