Kahit ayoko, sapilitan niya akong hinila patungong school supplies section. Wala akong nagawa dahil ang lakas niya. Binantaan pa niya ako na kundi ako sasama, isusumbong niya ako kay tita. Ayoko namang mapalayas kaya nagpahila na lang din ako. Hindi pa rin siya nagbabago pagkatapos ng ilang taon, sumbongero pa rin kapag hindi napagbibigyan o di kaya kapag nagtatampo. Nagsalubong ang kilay ko nang lampasan niya ang school supplies section. Sa national bookstore ata ang punta namin. Palala na talaga ng palala ang saltik niya ngayon araw. Hindi ko na alam kung anong idadahilan ko kay tita pagka-uwi namin sa bahay. Siya na lang idadahilan ko total kasalanan naman niya lahat. "The measurement should be expensive though. Hindi dapat ordinaryong ruler lang ang isusukat sa biggy bird ko." Kat

