Ang kapal ng mukha niya para isumbong ako. Ano ngayon ang idadahilan ko kay tita? Bwesit! Mas lumala ang pamamawis ng palad ko, dumagdag pa ang pangangatog ng aking tuhod sa takot. What if palayasin niya ako? Kasasabi lang niya sa akin na huwag makikipag-salamuha sa mga lalaki sa SSLU pero ito ako may kinaibigan agad. Kahit kailan ang epal ni Nazzareth sa buhay ko. Ano pa bang kailangan niya sa akin? Makita niya akong magdusa? For what? Dahil nire-reject ko siya? The h3ll! May girlfriend na nga siya. Bakit ayaw niya akong tantanan? Huminga ako ng malalim bago hinarap si tita. “Ano po kasi tita sobrang layo ng college namin sa admin tapos may nakilala po akong co-major ko at nag-offer siya ng ride kaya po naki-angkas ako. Kung nilakad ko naman baka sa hospital niyo po ako madatnan. Sorr

