Napatulala ako sa sa sinabi niya. "May kinalaman ba siya sa tatay ko Nazzareth?" habol ko nang lampasan niya ako. "Nothing. Doon kana sa Haru mo." He remarked. Halatang-halata sa boses niya na nagseselos. Bumaba siya sa hagdan habang nakapamulsa. Minsan naiisip ko, boyfriend ko ba talaga siya? O tropa-trop lang? "Nazz, kapag ako nasagad—" "Eh 'di sasagarin ko pa, kainis 'to!" natawa ako nang kamutin niya ng marahas ang buhok. Sinundan ko siya at pinantayan. "Nagmumukha kana talagang damulag sa itsura mo ngayon. Asim mo. Mabuti na lang hindi pati kili-kili." I teased him, smirking. "Ah gano'n?" hinatak niya ang leeg ko at sinakal ng marahan. Subukan niyang lakasan, sa-sample-an ko 'to. "Bwesit ka! Girlfriend mo ba talaga ako o tropa lang? Bitaw! Mali-late ako!" halos pasigaw kong sa

