Kabanata 3

1565 Words
Pinandilatan ko siya ng mata. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko lalo na kay tita na palipat-lipat ang tingin sa amin N. Avi, say something. It’s either sasabihin ko sa kanya ang brand ng napkin ko o magtititigan na lang kami rito hanggang sa makahalata na si tita and worst mang-usisa pa. “Uh—” si Paul na hindi malaman kung anong gagawin. “Ako na po tita, punta na ako.” Tarantang sabi ko at dere-deretsong lumabas ng bahay nang walang lingon-lingon. “Iyong pera, Avi…” rinig kong pahabol pa ni tita pero wala na akong pakialam. Gustuhin ko man bumalik, ayoko na dahil sa lalaking iyon na palagi na lang akong hina-hot seat. Kahit siguro saan ako magpunta na kasama siya, gaganunin pa rin niya ako. Like he’s so straightforward. Ang tapang niya rin para itanong iyon sa harap ng tita ko? Ano na lang ang sasabihin niya na may something sa amin? Ugh, kainis. Hindi naman kami close at saka hindi ko naman siya kilala, so why bother? Kaya ko naman bumili ng napkin ko. Sandali akong natigilan sa may kalagitnaan ng gate nang maalala kong wala pala talaga akong dalang pera. So, ano ngayon? Mangungutang ako ro’n? Sasabihin ko na kay tita? Bwesit! Nakakahiya. Unang araw ko palang dito, mangungutang na agad. “Gagalit kana naman ba sa akin, baby?” marahas kong tiningnan ang lalaking pumantay sa akin habang nakapamulsa. Nagsisimula na akong ma-stress sa lalaking ‘to. Pinagtaasan ko siya ng kilay. “Ano na naman ginagawa mo rito? Kung mamb-bwesit ka rin naman, please huwag ngayon. Sunod ka ng sunod. Are you a stalker or what?” pagsusungit ko. Natawa siya sinabi ko na mas lalong nagpairita sa akin. “Gwapo ko namang stalker. Hindi ba puwedeng bibili lang ako ng sigarilyo? Saka hindi ba masakit ang puson mo? Ayaw mo bang may magsilbi sa’yo?” Bahagya akong lumayo sa kanya nang makaramdaman ako ng kakaiba. Did my heart just skip a beat? Anong klaseng pakiramdam iyon? Nag-iwas agad ako ng tingin nang mailang na naman ako sa paraan ng paninitig niya sa akin. Nakakapanlalambot ang malamig niyang mga mata. Parang hinihigop no’n ang enerhiya ko sa katawan. “Ewan ko sa’yo, ang dami mong alam.” Sabi ko at akmang magpapatuloy nang hatakin niya ako pabalik. “Wait me here.” Untag niya. Pinaupo niya ako sa sementadong parihabang upuan at walang imik na naglakad sa kung saan man mabibili iyong turon. Nakasunod lang ako sa kanya ng tingin habang naglalakad. Ewan ko pero na-a-angasan ako sa paraan ng paglalakad niya. Ugh, ano ba ‘tong iniisip ko. Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa harap ng upuan at nagmuni-muni. “Avi, ano daw brand? Ang kulit eh.” Si Paul na naiiling na nakatutok sa kanyang phone. Napabuntong-hininga na lamang ako at napahilot ng sentido. Hindi talaga siya titigil kakatanong kung anong brand ng napkin ko, bwesit na lalaki. “Whisper.” Tipid kong sagot. “Uhm, with wings?” naiilang niyang tanong ulit. “Tang1na kasi, tawagan ko na lang para kayo na mag-usap, nakakahiya.” “With wings.” Sagot ko ulit. Wala siguro siyang kapatid na babae kaya naiilang. Nakahinga siya ng maluwag ngunit lumukot din ang mukha niya pagkatapat sa akin. Mukhang nakatanggap na naman siya ng panibagong mensahe kay N. “Ano na naman itinatanong niya?” inis kong tanong. Nag-angat siya ng tingin sa akin na may hilaw na ngiti. “Uhm, pantyliner? Kailagan mo rin ba daw?” Tumango na lamang ako. Nakakaramdam na ako ng hiya kay Paul. Alam kong naiilang na siya kakatanong sa akin. Kapansin-pansin din ang pamumula ng tenga niya. Kung bakit ba naman kinareer ng kaibigan niya ang pagsisilbi kuno sa akin? Lakas ng tama eh. Pati ba naman kasi pantyliner naisip niya? Bakit hindi na lang din niya ako bilhan ng panty? Nahiya pa itanong eh. Pareho na lang kaming nailing. Naupo siya sa katapat kong upuan at nagpakawala ng malakas na buntong-hininga. “Ano sabi ni tita?” basag ko sa katahimikan. “Iyong kaibigan mo, takas ba iyon sa mental?” walang pakandungan kong tanong. Hindi naman siguro siya ma-o-offend. Aware ata siyang prangka ako. Walang preno minsan ang bibig. “Si N? Bwesit, hindi ako sanay tawagin siya ng gano’n. Ayaw pa kasing ipaalam eh.” Bumubulong pa niyang sinabi na hindi ko naman maintindihan. “Si ate? Nagpahinga muna. Iyong kaibigan ko naman na iyon? Well, siguro takas mental. Nabaliw ata sa’yo.” Inikutan ko siya ng mata na ikinatawa niya. Magkaibigan nga sila. Pareho ang liko ng dila. “Hindi kaba interesado sa kanya? Kahit konti lang? Iyong pagkatao niya, gano’n?” dagdag katanungan pa niya. Nag-isip muna ako ng isasagot ko sa kanya. At some point, interesado naman ako part na bakit niya ako kilala at bakit niya lahat ‘to ginagawa sa akin? Anong motibo niya? Imposible namang may gusto siya sa akin. “Hindi ako interesado sa kanya,” deretsong sagot ko na ikinabuka ng bibig niya. Parang gulat na gulat siya sa sagot ko. “Gusto ko lang malaman kung bakit niya ako kilala. Nandito ako para mag-aral, hindi para lumandi.” “Whoa, I like how prank you are. Pero baka kainin mo rin iyang sinasabi mo kapag nakita mo na si N.” Ngising wika niya. Akala ba ng isang ‘to makukuha ako sa itsura ng kaibigan niya? Hindi. Mas matimbang pa rin sa akin ang mabait at ma-effort na lalaki. Wala sa isip ko ang makipagrelasyon lalo na nakikitira lang ako. Ayokong pag-isipan nila ako ng kung ano. “Sinasabi ko lang ang totoo. Hindi ako interesado pero nagpapasalamat ako na tinulungan niya ako.” Kaswal na sabi ko. Kitang-kita ko sa mukha niya na hindi pa rin talaga siya makapaniwala. “Wala palang pag-asa ang kaibigan ko.” Nilingon ko ang sinisilip niya sa likuran ko. Nawindang ako nang makita kong nakatayo ro’n si N. “K-kanina kapa dyan?” Hindi siya sumagot bagkus ay inilapag ang kulay brown na paper bag. “Nandiyan na lahat ng kakailanganin mo. Pumasok na tayo sa loob.” Malamig niyang sabi. Nilampasan niya ako at naunang pumasok sa loob. Hindi ako nakagalaw. Bigla akong nakonsensiya. Alam ko narinig niya lahat ng sinabi ko. Hindi naman siguro siya nasaktan? I’m just being honest. Sandali akong napatitig sa ibinigay niya sa akin. Babayaran ko na lang siguro ‘to. Nakakahiya na eh. “Hoy, hindi kaba papasok?” agad kong hinarap si Paul na seryosong nakatingin sa akin. “Gusto ko lang iparinig sa kanya na wala siyang pag-asa sa’yo.” Napatanga ako bago niya ako tinalikuran. Pag-asa? Ibig bang sabihin no’n, may gusto sa akin si N? Imposible. Pumasok ako ng bahay na nakatulala. Papanhik na sana ako ng second floor para maghanap ng ipangbabayad sa lalaking iyon nang makasalubong ko si tita. “Sa second-floor ka, dito ako sa first-floor. Tulungan mo akong magtransfer ng mga gamit mamaya or bukas. Masakit pa rin ba ang puson mo?” kaswal na tanong ni tita habang nakahalukikip na nakatitig sa akin. “Hindi naman po masyado pero baka po puwede bukas? Sabi kasi bawal magbuhat kapag may regla at baka raw hindi mabuntis.” Sagot ko na ikinataas ng kilay niya. “Saan mo naman iyan narinig?” malditang tanong niya. “Sabi-sabi naman sa probinsiya?” umikot ang mata niya at bumuntong-hininga. “Opo, bawal daw po.” Kabadong sabi ko. Mukha na siyang bubuga ng apoy. “Kami na lang po ni Naz— I mean ni N ang tutulong sa inyo sa paglilipat ng mga gamit.” Boluntaryong sambit ni Paul dahilan upang mapatingin kami sa kanya. “Ah, eh, may billiard competition din po kasi ‘di ba?” “Oh, I almost forgot… ikaw muna bahala rito, Avi ha? May aasikasuhin lang ako sa kabila.” Tarantang sabi ni tita at dali-daling lumabas ng bahay. Siya ba ang nagma-manage no’n? Anyway, wala naman akong pakialam sa mga business niya. Wala akong balak alamin. Paakyat na sana ako nang makarinig ako ng tikhim. “Hindi ka man lang ba magme-meryenda?” si N na hindi ko alam kung napilitan ba o ano. “Kukuha lang ako ng pambayad nito,” sabi ko ng hindi nililingon ang kinaroroonan nila. “Mabilis lang—” Hindi ko natapos ang sasabihin nang may humawak sa kamay ko. Sandaling nanlaki ang mata ko nang iharap niya ako sa kanya. It was N. Gano’n ba kahaba ang legs niya para makarating dito ng gano’n kabilis? “Hindi ko kailangan ng bayad. Kailangan ko magmeryenda ka kasama namin.” At hinatak niya ako palapit sa sofa at pinaupo ro’n. “Hindi puwede ang coke sa’yo ‘di ba? Binilhan kita ng chamomile tea and dark chocolates.” Literal akong napa-nganga. “Bawal kumain ng turon?” wala sa sariling tanong ko. Narinig ko ang mahinang tawa ni Paul na ngayon ay abala sa pagtitipa sa kanyang phone. “Iyong turon ko ba?” naubo ako sa tanong niya. “May iba pa bang turon maliban no’ng sa’yo?” balik-tanong ko na ikinangisi niya. Ano na naman kaya ngini-ngisi-ngisi ng isang ‘to? Sa kanya naman talaga iyong turon na binili niya ah. Napatingin ako kay Paul nang bigla siyang humagalpak ng tawa. Ano ba kasing mali sa sinabi ko? Bwesit na yan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD