“Hoy bumili na kayo ng turon, nahiya pa kayo!” natauhan ako nang marinig ko ang sigaw ni Paul. Kahit mahigpit ang pagkakahapit sa akin ni Nazz, nagpumilit akong makawala sa kanya. “Tama na ang pagmo-moment dyan, mali-late ka Avi, sige ka.” Lumayo ako sa kanya at dali-daling tinungo ang kanilang kotse. Nilingon ko muna si Nazz na ang sama ng tingin kay Paul. “Hoy, mali-late na ako. Tinatayo-tayo mo dyan?” Nakapamulsa siyang naglakad palapit sa akin. Bago pa niya marating ang kinaroroonan ko, sumakay na agad ako ng kotse. Tiningala ko siya pagkatapat niya sa akin. Ano na naman ang problema niya at ang lamig-lamig ng mga mata niyang nakatitig sa akin? “Scoot over, tatabi ako sa’yo.” Nalutang pa ako ng ilang segundo bago nagsink sa utak ko ang sinabi niya. “A-ano? Ayaw mo ba sa front seat?

