Kumunot ang noo ko sa lalaking nakatitig sa akin ngayon. Tingin ko nakita ko na siya before pero hindi ko maalala kung saan. Lumipat ang tingin ko kay Jenna na nakatingalang nakatulala sa lalaki. Bakas sa mukha niya ang takot na para bang nakakita ng multo. I guess they are engaged? Hindi naman aasta ng ganito ang lalaki kung wala silang relasyon. "Seno, umalis na tayo rito." Sandaling nanlaki ang mata ko at napatakip ng bibig. Naalala ko na, siya 'yong lalaki sa mall na— bwesit! Biglang kumulo ang dug0 ko nang maalala ko ang ikinuwento sa akin ni Nazz. "Huwag kang makinig sa babae na 'yan." Akala ko ba bakla 'to? Bakit— sheyt! Sumasakit ang ulo ko. Siya ba ang fiancé ni Jenna? Ang ibang bang sabihin nito nagkakagusto siya sa lalaki at babae? Nahilot ko ang sentido at napatingin sa la

