Racelle POV "Gabi na, uwi na kayo. Naiinggit na ako, wala pa naman si Jem!" umuwi na kasi ang lahat maliban lamang kay William at Mike na pupunta pa daw sa bar nila Mike. "Uwi na din kayo. Huwag magpakalasing, uminom na lang ng tubig." sabi ko sa kanilang dalawa. "Hindi naman kami iinom," sagot ni William. "What are you going to do there?" tanong naman ni Kitian. "Alam mo bro., minsan pakibawasan ang pag-e-english ha? Huwag mo ng tularan si Tristan na porket nasaktan lang, ume-english na." bilin ni Mike. Lokong lalaking 'to ah. Nakainom na yata 'to. Kasi kanina bago mag-uwian bumili sila Justin at Tristan ng in can beers sa 7 eleven. "Okay." "Ayan! Ayan 'yong gusto ko sa'yo, sumusunod ka na sa mas nakakaguwapo sa'yo!" napaubo naman ako bigla. "Tsk, oo na lang." at inis na tinabig

