Racelle's POV "Good morning, Philippines!" masigla kong bungad sa sarili ko paggising ko. Hindi pa man din ako kumain kagabi, meryenda lang ang nakain ko. Ba't hindi man lang ako ginising ni mama o kaya ni papa. Bumangon na ako at inayos ang kama ko, sabay diretso ko sa banyo upang maligo. Hanggang sa pagligo ko, nangungulit na ang tiyan ko sa gutom. Salamat naman at hindi ko napanaginipan si ate Roxanne at papa. 'Kroo… kroo~' Nagbihis ako at lumabas na para kumain. Pagbaba ko sa hagdan. Wala sina mama at papa sa sala. Lagi kasi silang nasa sala sa tuwing paggising ko. Pero ngayon wala sila, san naman nagpunta ang mga 'yon? Tumingin ako sa kalendaryong nakasabit sa bandang wall ng kusina. Itnuro ko ang date at napatigil ako sa sabado. "Sabado na pala ngayon." bulong ko at dumirets

