Racelle POV Pagkatapos ng mala-teleseryeng pagsusuot namin ng couple bracelet sa isa't isa, umalis na kami sa mall. Jusko, late na kami. Ngayon ngayon ko lang napansin ang oras nang makabalik na kami sa school. Lakad takbo ang ginawa ko habang sinasabayan naman ako ni Kitian. “Calm down. Walang leon na humahabol sa 'yo, pero puso ko hinahabol ka.” “Mamaya ka na bumanat dyan Kitian Bentley, kinakabahan ako. Wala ngang humahabol sa akin na leon pero asal leon ang teacher ko na iyon!” hinawakan niya ang kamay ko at pinisil pisil ang nilalamig kong kamay. Nakakakaba naman si ma'am Gatchalian. “Huwag kang kabahan, kung gusto mo Makiki seat in na rin ako.” seryosong sabi niya. Tinignan ko lang siya ng blangko, “Gagawin mo ‘yon?” “Oo, gagawin ko para pareho tayong mapapagalitan ng teacher

