LADY MAE (POV) “Baby, heto na pala yung mga papel na kailangan mong pirmahan para ito sa binili mo na house and lot.” Gabi na ngayon at ilang araw na lumipas mula ng may nangyari na hindi maganda sa pagitan ng aking mga magulang. Hiling ko lang sana na matahimik na kami dahil sa uri ng pamumuhay nila ngayon sa bukid ay sigurado ako na mabubuhay na sila ng maalala. “Anong binili ko?. Alam mo naman na wala pa akong ibibigay sayo na malaking pera Zy.” Mahinang sabi ko sa lalaki na nakaupo sa tabi ko at mukhang nag-iisip. “Pero baby, nasabi ko na sa kaibigan ko. Ganito na lang, ako na lang muna ang magbabayad tapos bayaran mo na lang ako kahit pakonte-konte. Pirmahan mo na lang ang mga papel na ‘to dahil ikaw ang owner ng bahay.” Kinuha ko na lang ang ballpen at pinirmahan ang mga pa

