“Mae, ito nga pala si Leah. Kasambahay na makakasama mo dito sa bahay. Siya ang gagawa sa ibang gawain katulad ng paglalaba at paghuhugas ng plato. Ikaw ang gagawin mo lang ay magluto ng pagkain natin at linisin ang silid na dalawa sa taas isang beses sa isang linggo na lang ngayon. Walang maaring pumasok sa silid na dalawa sa taas, kundi ako lang si Zy at ikaw Mae, ikaw Leah nakuha mo naman ang ibig kong sabihin hindi ba?.” Mahabang paliwanag at pagpapakilala ni Creed sa akin sa babae. Pagkatapos namin ipakilala sa isa’t-isa ay tinalikuran na ako kaagad ng babae at tumungo na sa bahay na tuluyan namin. Napaisip ako sa naging kilos ng babae pero ayaw ko lagyan ng kulay dahil nga hindi naman kami magkakilala. “Pamangkin ka pala ng katiwala dito?.” Napalingon ako ng magsalita ang babae

