"SARAP IMUDMOD ng mukha niya!" "Maxine, huminahon ka, take a deep breath and let it out." Sabi ni Joey na nasa kabilang linya. Matapos namin mag-usap ni Cedric ng gabing iyon ay hindi na kami nag-uusap for one week. "Ano ba kasi ang problema ninyong dalawa? Panay mo reklamo pero 'di ko maintindihan eh. Grabe ka naman, sayang din ang mukha ni Cedrci kapag imudmod mo iyon. Masisira ang kagwapuhan niya, Maxine. This is so unlike you, saan na ang baliw kong kaibigan na dead over heels kay Cedric?" Nagpatuloy lang ako sa paglalakad, nandito ako ngayon sa isang botique. Since kinansela ko ang schedule ko sa mga appointment meeting ay naisip ko na igugol ko na lang sa pag-shopping ang oras ko. Wala ako sa mood na magtrabaho. As in. "Eh ano ngayon?" "Alam mo, nakakapanibago ka talaga. Kahit na

