Chapter 37 MAXINE'S POV Parang lutang parin ang isipan ko nang maalala ko na naman iyong sinabi ni Cedric sa'kin. Pakiramdam ko ay parang kanina lang niya sinabi iyon, dalawang araw na ang nakalipas at 'di ko pa siya nakikita, n'ong binisita ko kasi siya sa ospital kahapon ay tulog siya. Ayoko sanang iwan siya doon dahil mag-isa siya, tanging mga kaibigan lang niya at ako ang bumibisita niya. Lingid sa kaalaman ko naman na wala siyang magulang, ulila na siya. Ngayon araw na ito kasi ay libing ni Mamita, Oo, hindi pinatagal nina Daddy at Mommy dahil iyon din naman ang kagustuhan ni Mamita noon pa man daw. Pagkatapos ng libing ay sinalubong ay nagpaalam ako sa magulang ko na pupuntahan ko lang si Cedric, now that nakakulong na ang babaeng iyon ay wala na dapat akong ikatakot, hindi ko ala

