AEXL POV
Maaga akong nagising bago naligo at nagbihis. Pagkababa ko ng hagdan ay naaamoy ko na ang pagkain na niluluto ni Mom. Kaagad akong nagpunta sa may dining area kung saan ko nakita si Dad na nilalandi ang Nanay kong pabebe.
''Good morning!'' pag iinterupt ko sa kanila at para naman silang nataranta na dalawa kaya hindi sinasadyang naitulak nang malakas ni Mom ang nakayakap sa kan'yang si Dad.
''M-Morning, sweetheart!'' bati ni Mom na may pilit na ngiti sa mukha habang naka salampak naman si Dad sa may bab at dumadaing ng sakit dulot ng kaniyang pagbagsak.
Bored ko silang tinignan pareho dahil akala siguro nila ay hindi ko alam ang kababalaghan na ginawa nila. Nakita ko lang naman kanina na nasa loob ng damit ni Mom ang kamay ni Dad. Umupo ako sa may upuan na sinundan naman ni Dad na halata sa itsura ang pagkabitin.
''Wrong timing ka naman anak,'' sabi ni Dad at napatawa naman ako.
''Sorry Dad, dapat nag text ka kung may balak ka kay Mom dito sa kusina,'' natatawang sabi ko at napailing na lang siya
''Exams n'yo ngayon, right, Aexl sweetheart?'' tanong ni Mom habang naghahanda ng pagkain sa lamesa.
''Yes Mom,'' sabi ko bago nagsimulang kumain. Umupo naman sa katapat kong upuan si Mom bago nagsimula na ding kumain.
''Nag review ka naman ba?'' tanong ni Mom at tumango na lang ako kahit hindi. Para saan pa ang pag re-review kung pakokopyahin naman ako ni nerd?
Yes, pumayag siya sa deal na inalok ko sa kanya noon and guess what? Ang sabi pa n'ya ay okay lang daw kung kopyahin ko halos lahat ng sagot n'ya. Halatang may gusto sa akin.
Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako bago sumakay sa kotse namin pero bago ako dumaretso sa school ay dumaan muna ako sa isang store para bumili ng kailangan ko. Clue, nagsisimula sa letter C at ang huli ay M. Pagkabili ko ng kailangan ko ay isinipit ko 'yon sa may bulsa ko at nagtungo na sa school.
Pagkapasok ko pa lang sa gate ng university ay sari't saring mga estudyante na nag re-review ang nakita ko. Cool lang akong naglakad ng makita ko si Gwyneth sa tabi ng Student Council Room habang naka sandal sa pader at nakahawak sa kan'yang notebook. Ang ganda na naman ng umaga ko.
''Hi baby!" bati ko kay Gwyneth at tinignan naman ako nito kaya mas lalo kong pinalawak ang ngiti ko.
''Huwag ngayon Mr. Fvcker, may exam ako," masungit na sabi nito bago ako tinalikuran at pumasok sa loob ng Council Room. Tss, hindi marunong maka appreciate ng gwapo.
Pinagpatuloy ko na lang ang lakad ko ng makasalubong ko naman si Shayna with her friends.
''Aexl baby!'' sabi nito at patakbong lumapit sa akin bago ako niyakap. Nako! Lagot ako kay Principal kapag nalaman n'ya ito.
Niyakap ko naman nang mahigpit si Shayna at nakita ko kung paano kiligin ang mga kasama nito.
''I miss you, baby!'' sabi nito habang nakayakap sa akin at ngumiti naman ako.
''I miss you too, my Shayna baby,'' sabi ko at hinalikan siya sa noo.
''Nag review ka?'' nakangiting tanong nito pero umiling ako.
''Nope. Kayang kaya ko ang exams,'' pagsisinungaling ko at napatango siya habang nakangiti.
''Kung gusto mo, pwede kong ibigay sa'yo ang sagot sa magiging exams niyo,'' sabi ni Shayna sa akin. Hindi ko kasi kaklase si Shayna. Ahead ako sa kan'ya ng one year.
Papayag ba ako? Pero may usapan na kami ni nerd at hindi ako sumisira ng mga pinag usapan. Ngumiti ako dito bago umiling.
''No thanks, mas gusto ko na ako ang magsasagot ng walang pandadaya,'' sabi ko bago ko siya hinalikan sa lips at nagpaalam.
Pagkapasok ko pa lang ng room ay kaagad akong sinalubong ng halik ni Janella kaya naman ginantihan ko ito pero ng mapadako ang tingin ko kay nerd na nakatingin sa amin ay kaagad akong humiwalay.
''Janella babe, hindi muna ako tatabi sa inyo ni Cloud ha?'' sabi ko at napakunot naman ang noo n'ya.
''Why?'' sabi nito sabay crossed arms pa.
''Tatabi muna ako kay nerd,'' sabi ko bago nagtungo sa katabing upuan ni nerd. Sasagot pa sana si Janella ngunit hinila na siya ni Cloud at wala na itong nagawa kung hindi ang umirap na lamang.
''Good morning, Ara!'' nakangiting sabi ko na kaagad ikinapula ng mukha n'ya. Seryoso, hindi ba n'ya kayang pigilan 'yon? ''Iyong usapan natin ha? Don't worry, nag ipon ako ng lakas kagabi para sa reward mo,'' sabi ko at napatungo naman siya.
Natatawa naman akong humarap sa unahan kasabay ng pagdating ng teacher.
''Good morning, class!'' bati ni Ma'am.
''Good morning, Ma'am!'' bati rin naman namin at pinaupo na kami.
''Okay, today is our first day of exam and I hope that all of you reviewed our lessons,'' sabi nito at nag Yes naman ang mga kaklase ko.
Sinimulan ng ibigay ni Ma'am ang test papers namin bago bumalik sa unahan at umupo.
''Class, simulan n'yo na and kapag may nakita akong nag ko-kopyahan, automatic zero ang grade sa akin. Zero base tayo. Tandaan n'yo 'yan,'' sabi ni Ma'am pero hindi na kami sumagot ng umupo na siya bago humarap sa kan'yang laptop.
Tumingin naman ako kay Ara para sabihin kung ano na ang gagawin ng palihim n'ya akong bigyan ng bond paper na walang sulat at nagtataka naman akong kinuha iyon kasabay ng pagkuha n'ya ng test paper ko, bali dalawa na yung test paper n'ya, iyong akin at kan'ya. Tinignan ko yung test paper at may nakasulat dito.
''Gamitin mo ito bilang kunwaring test paper mo para hindi tayo mahalata ni Ma'am. Don't worry, ako na ang magsasagot ng test mo,'' sabi nito at napangisi naman ako.
Tignan mo nga naman talaga, matalino na, madiskarte pa itong si Nerd.