AEXL POV '' Aexl, 'wag na lang kaya?" sabi ni Gwyneth sa akin. ''Akala ko ba napag usapan na natin ito?" nakakunot ang noo na tanong ko. ''Oo nga pero kasi—" ''Kasi natatakot ka? Kasi maraming What If's ang naiisip mo?'' tanong ko at napatungo naman s'ya bago dahan-dahang tumango. ''Natatakot lang ako, Aexl. Paano kung hhindi nila matanggap? Aexl, hindi gan'on ka-bait ang magulang ko,'' sabi nito at ini-angat ko naman ang ulo n'ya bago sya hinalikan sa noo. ''Love, hangga't nasa tabi mo ako, wala kang dapat na ikatakot dahil kahit ano man ang maging desisyon ng parents mo, always remember that I am here. Willing to sacrifice everything for you,'' sabi ko at naiiyak na tumango naman s'ya. 9:00 AM na at naghahanda na kami ngayon para pumunta sa probinsya at makipag kita sa parents n'

