AEXL POV Mabilis ang takbo na ginawa ko papunta sa parking lot at sumakay sa kotse ko. Pinaandar ko naman iyon kaagad at mabilis na pinatakbo kahit na sinenyasan ako ng Guard na tumugil pero hindi ko ginawa. Nang makalabas na ako ng school ay kaagad kong kinuha ang cellphone ko mula sa bulsa ko at tinawagan si Mom. ''What now, Aexl?" bungad ni Mom sa akin pagkasagot nya sa telepono. ''Hi Mom, hindi ba may out of the country kayo ni Dad today?" tanong ko. "Yeah, Why?" tanong n'ya. ''Nothing. Tinanong ko lang,'' sabi ko. ''Dalawang araw lang kami mawawala ng Dad mo, Aexl, and i hope na wala kang kat*rant*duhan na gagawin. Pinapunta namin si Manang ngayon dito sa bahay para makasama mo,'' sabi ni Mom. Manang? Wala naman kaming katulong ah? ''Mom, sinong Manang?" tanong ko. ''Katulo

