AEXL POV Hindi ko pa din maisip ang nangyari kay Gwyneth sa huling pag uusap namin. Sinubukan ko s'yang kausapin sa tuwing makikita ko s'ya pero lagi s'yang tumatakbo palayo at iniiwasan ako. Mag isa akong nakaupo ngayon dito sa loob ng room namin. Wala sina Cloud at Janella dahil lumabas silang dalawa at wala naman akong pakialam kung saan sila tinangay ng hangin. Bored akong naglalaro ng Everwing sa cellphone ko ng matigil ako dahil sa boses ni Gwyneth na narinig ko. ''Ang ganda naman ng mga bulaklak na ito, Sigurado ka ba na sa akin ini address ito?" Bulaklak? May nagbigay ng bulaklak kay Gwyneth? The h*ll! Kung bulaklak lang ang kanyang ibigay ng t*rant*dong nagpabigay noon, mas kaya kong bigyan ng sampung truck ng bulaklak si Gwyneth. Kaagad akong tumayo bago patakbong lumabas ng r

