AEXL POV Hinabol ko si Gwyneth na panay pa rin ang takbo at pinagtitinginan kami ng mga estudyante sa kada room na madadaanan namin. ''Gwyneth!'' tawag ko pero hindi ito tumigil sa kata-takbo. Tumigil ako sandali sa pagtakbo habang dare-daretso naman sa pagtakbo si Gwyneth. Lumingon ako sa may kaliwa ko kung saan mag shortcut kaya naman doon ako dumaan. Binilisan ko ang takbo ko hanggang sa nagtago ako sa may gilid ng pader at iniintay na dumaan si Gwyneth. Nang makita ko si Gwyneth ay kaagad ko itong nilapitan. Payakap ko itong hinawakan sa may bewang n'ya kaya naman nagulat ito. ''Ay! Aexl!?'' sigaw nito habang nakahawak pa rin ako sa kan'ya. ''Bitaw!'' sigaw niya sabay siko sa akin sa aking sikmura kaya naman napahakbang ako paatras at naiinis naman n'yang hinarap ang nasaktang si a

