GWYNETH POV Isa isa kaming pinasadahan ng tingin ni Aexl mula kay Ara, sa akin, kay Janella at tumigil ang paningin nya sa pwesto ko. Nakipagtitigan ako kay Aexl at kitang kita ko sa mukha n'ya na wari mo'y nanghihingi ng tulong at hindi malaman ang gagawin. Bakit ayaw n'yang magsalita? Napakahirap bang banggitin ang pangalan ko? Napakahirap bang ako naman ang piliin mo? Titig na titig pa din sa akin si Aexl ng tinanggal ko ang paningin ko dito at tumungo bago tumalikod. Natatawa na lamang ako sa sarili ko dahil sa ito na naman ako, mukhang t*nga na umaasa na sana ay ako naman. Na sana ay hindi nagdadalawang isip si Aexl na ako naman pero mali ako. Sino nga ba ako? Ano nga bang halaga ko sa isang Fvcker? Pagkatalikod ko ay dahan-dahan kong inihakbang ang paa ko hanggang sa makatatl

