ARA POV Sumasakit ang ulo ko pagkamulat ko ng mata at laking gulat ko ng malaman ko kung nasaan ako. Hospital? The h*ck! Ano ang ginagawa ko rito? Napalingon naman ako sa may pinto ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang nurse at Doktor. ''Kamusta ang pakiramdamn mo, iha?" tanong nito. ''Bakit ako nandito?" tanong ko imbis na sagutin ang tanong n'ya. ''Ang sabi ng mga kaklase mo ay aksidente kang tinamaan ng bola kaya ka nahimatay at dinala ka nila dito,'' sabi nito. Kaibigan?T*ng*na. Wala akong kaibigan! ''S-Sino ang nagdala sa akin dito?" kinakabahang tanong ko. ''Dalawang lalake at isang babae. Sa pagkakaalala ko Ms. Escober ang surname ng babae.'' Si Janella? Nangangatal kong ibinuka ang bibig ko para magtanong. ''M-May iba pa ba silang tinanong?" nanlalamig na sabi

