JANELLA POV Badtrip akong lumabas ng classrom dahil sa kakulitan ni Cloud. Ginugulo n'ya ako! Simula kasi nang nawala si Aexl dito sa school at sumama daw do'n sa parents n'ya na nag out of the country ay tinake advantage iyon ni Cloud para lumapit sa akin! Habang naglalakad ako palabas ay may isang junior student ang tumawag sa akin at nilingon ko siya. ''Miss Janella, may nagpapabigay po,'' sabi ng babae at kinuha ko naman 'yong papel na hawak n'ya. ''Sino raw?" nakakunot ang noo na tanong ko. ''Hindi ko po kilala basta ang sabi ibigay ko daw sa inyo at basahin n'yo raw kasi mahalaga iyan,'' sabi ng babae at tumango na lang ako. Pagka alis ng junior student ay binuksan ko ang sulat at binasa. Halos manlamig at maubusan ako ng hininga nang makita ko ang naka drawing. Isang babaeng b

