Chapter 5

1330 Words
AEXL POV Nandito kaming lahat sa may oval habang nagwawalis at kanina pa ako naiinis dahil hindi ko matapos tapos ang pagwawalis dahil kay Janella na kanina pa naka-lingkis sa akin! ''Janella, I'm busy so will you please get away from me?''' pigil na sigaw na sabi ko sa kan'ya. Malandi naman itong tumawa bago ako hinapas sa may braso ko at tumingin sa akin. ''Ikaw talaga babe, masyado kang mapagbiro!" sabi nito na nakapag pakunot ng noo ko. ''Ano ba ang sinasabi mo?" ''You said na lumayo ako sa'yo but the truth is, gusto mo akong laging nasa tabi mo. Ikaw talaga!'' sabi nito at napa poker face naman ako bago ko siya nilayuan at nagwalis malapit sa pwesto ni Cloud. Tagaktak na ang pawis ko pero kada may mawawalis kami na kalat ay siya namang laglag ulit ng dahon sa mga puno na nandito kaya naiinis ako. "Guys, it's already lunch time. Kumain muna tayo,'' sabi ni Gwyneth at nauna nang maglakad. Wow! Mabuti at naisipan n'ya pa 'yon. Iniwan namin ang mga dala naming walis sa gilid ng puno at naglakad na papunta sa cafeteria. Pagkapasok pa lang sa cafeteria ay laking pasalamat ko na air-conditioned ang cafeteria rito sa amin at kahit paano ay hindi na ako naiinitan. Pumila si Gwyneth sa mga nakahilerang mga estudyante samantalang kaming tatlo naman na naiwan ay nasa likod. ''Ayokong pumila. Gutom na ako,'' sabi ko bago ako sumingit sa pila ng mga kababaihan at syempre, dahil gwapo ako ay pinasingit naman nila ako hanggang sa nakadating na ako sa pinaka una. ''Hi, Aling Minerva!'' bati ko sa cashier ng cafeteria. Lumingon sa likuran ko si Aling Minerva at napailing. Siguro ay nahalata n'ya na sumingit ako sa pila. ''Sige na Aexl, ano ang order mo?'' tanong nito at nag-order na ako bago ito tumalikod at ibigay sa cook ang order ko. Habang wala pa ang order ko ay humarap ako sa babaeng nerd na nasa likuran ko bago ko ito nginitian. ''Hi?'' nakangiting sabi ko at kaagad namang namula ang magkabilang pisngi nito at inayos ang makapal n'yang salamin bago tumungo. Napangisi naman ako sa inakto n'ya kaya hinawakan ko ang baba n'ya bago ko pinagtagpo ang paningin naming dalawa. Nakita ko ang gulat sa itsura nito pati na ng mga nakakakita sa amin. Hinawakan ko ang hawakan ng salamin n'ya bago ko iyon dahan-dahan na tinanggal. Noong una ay kinusot kusot pa nito ang mata n'ya nang tuluyan ko ng matanggal ang salamin n'ya marahil ay naninibago pa siya bago siya muling tumingin sa akin. ''Ang ganda mo,'' nakangiting sabi ko bago ako tumalikod ulit para kunin ang order ko pero bago ako umalis ay kinindatan ko muna siya at nagsigawan naman ang mga babaeng nakakita. Pagkadating ko sa pwesto nina Cloud ay nakangisi naman akong hinampas ni Cloud. ''Kakaiba ka talaga, Aexl!" sabi nito at ngumiti ako. ''Yey, may pagkain na tayo!" sabi ni Janella at sabay kaming napalingon ni Cloud dito. ''Ah, Janella babe. Para sa amin lang ito ni Cloud. Kung gusto mong kumain, ayan ang pila. Pumila ka,'' sabi ko at napanganga naman siya. ''P-Pero babe—'' sabi nito. Iniabot ko ang try kay Cloud bago ako lumapit kay Janella at inakbayan siya. ''Alam mo, Janella babe. Matakaw iyang si Cloud kaya kulang na kulang pa sa amin tapos hihingi ka pa? Gusto mo bang pumayat ako? Mawalan ako ng abs at biceps? Sige ka, ikaw din. Wala ka ng mahahawakan kapag nag ano tayo," sabi ko at napangiti naman siya bago ako sumenyas na pumila na siya. Ilang oras kaming tumambay sa may cafeteria bago kami natapos sa aming pagkain. ''Tara na!'' sabi ni Gwyneth sabay tayo. ''President naman, kakakain lang natin!" reklamo ni Cloud. ''Then? Mas maganda kung magsisimula na tayo para mabilis tayong matapos.'' Mabilis matapos? Kahit kailan hinding hindi matatapos 'yan! ''Pero President, masakit pa ang tyan ko. Punong puno pa ng pagkain. Hindi pa natutunaw eh,'' sabi pa ni Cloud habang nakatingin lang kami sa kanila ni Janella. ''Alam mo, Cloud. Pare-pareho lang tayo. Hindi pa rin natutunaw ang kinain ko kaya 'wag kang mag inarte," sabi ni Gwyne6. ''Kung gusto mo, President... may alam akong activity na pwede nating gawing dalawa para matunaw kaagad ang kinain natin,'' nakangising sabi ko sa kan'ya habang nasa tabi ko si Janella at nakaakbay sa kan'ya. Tinaasan naman ako ng kilay ni Gwyneth at tumalikod bago naglakad. ''Sumunod na kayo,'' cold na sabi nito kaya napasunod kaming lahat. Nakakatakot magalit si Gwyneth. Nanununtok iyan. Akbay-akbay ko si Janella na naglalakad habang nasa likod naman namin si Cloud na panay ang reklamo. ''Hindi naman kasi talaga ako dapat kasama dito eh! Lagot ako kay Mom kapag bumaba ang grades ko!'' Hindi na lamang namin inintindi ang kaartehan ni Cloud dahil ako, kahit na bumagsak ako. Secured na naman ang future ko. Dugong Fvcker yata ako. Bumalik kami sa may oval bago kinuha ang kai-kaniya naming walis nang mapalingon ako sa isang lalake. ''Mr. Fvcker pinapatawag po kayo ni Principal K,'' sabi nito habang hinihingal. Napatingin naman sa akin ang iba bago ko ibinalik ang paningin ko sa lalake. ''Bakit daw?'' tanong ko. ''Hindi ko po alam basta bilisan n'yo raw po,'' sabi nito at tumango ako. Naglakad ako papunta sa office ni Tandang K pero sinabihan ako ni Gwyneth na pagkatapos daw ang pag-uusap ay bumalik daw kaagad ako. Masyado naman n'ya ako kaagad na mami-miss. Walang katok-katok kong binuksan ang pinto at nakita ko r'on si Principal K kasama ang kanyang apo at isang babae na nakatungo. ''Mr. Fvcker, come here," sabi nito at lumapit ako bago umupo. ''Ano na naman ba ito, Principal? Naglilinis naman ako!'' naiirita kong sabi. ''This is not about your punishment, Mr. Fvcker. This is all about your grades,'' sabi nito at napataas naman ang isang kilay ko. ''Maayos naman ang grades ko,'' sabi ko. ''Iyo ba ang sinasabi mong maayos?'' tanong n'ya sabay pakita sa grades ko. English: 95 Math: 72 Science: 65 History: 77 Filipino: 82 P.E: 98 and the rest is 70 ''What's the problem Principal?'' inosenteng tanong ko at napanganga naman siya. ''Seriously, Mr. Fvcker?'' hindi makapaniwalang wika nito. ''Ang baba ng grades mo!" sabi nito at napatango ako. At least, may line of 9 ako. ''Hindi ka mahahatak ng Physical Education at English subject mo Mr. Fvcker!" sabi nito at napakunot naman ako ng noo. ''What do you mean, Principal?'' tanong ko. ''I'm giving you a tutor," sabi nito at napanganga naman ako. ''But Grandma, I can help—" ''Shut up, Shayna. Mababa rin ang grades mo so you need to focus on your study not to Mr. Fvcker!" seryosong sabi ni Principal. ''Principal naman!" sabi ko at napatayo na rin ako. Is she serious? Bibigyan n'ya ako ng tutor? For Pete's sake, hindi ako bata! Napalingon naman ako sa babaeng nakatungo na nakita ko kanina. ''You!" sabi ko r'onn sa babae at parang nataranta naman siya. ''Mr. Fvcker, ako na ang magpapakilala sa kanya sa iyo," wika ni Principal K. ''Ms. Arabella Villamor, this is Mr. Aexl John Fvcker. Siya ang tuturuan mo,'' sabi ni Principal pero hindi man lang gumalaw 'yong Arabella raw. Nakatungo lamang ito. ''Excuse me?" sabi ko pero no effect pa rin. ''Eh Principal, bingi yata ito—" ''Shut up, Mr. Fvcker. Matalino yang si Ms. Villamor and running for c*m laude iyan!" sabi nito at hindi naman ako makapaniwalang napatingin doon sa babae. Lumapit ako dito kay Arabella bago siya hinawakan sa dalawang balikat n'ya at mukhang nagulat ko siya. ''Ako po si Arabella Villamor, and tuturuan ko po kayo nang maigi Mr. Aexl John,'' sabi ng isang cute na cute na boses. Iyong parang sa anime? Hinawakan ko ang baba ng babaeng ito bago ko ini-angat at laking gulat ko sa nakita ko pero hindi naglon ay napangisi kaagad ako. ''So, it's you?'' nakangiting sabi ko na ikinapula ng mukha n'ya. The nerd I saw at the cafeteria. This is so exciting!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD