CHAPTER 3

1044 Words
AEXL POV Nandito kaming lahat sa loob ng Office ni Principal K. Ako, si Gwyneth, si Cloud at si Janella na kagigising lang. ''Aexl John Fvcker, Aexl John Fvcker, Aexl John Fvcker'' paulit-ulit na sabi ni Matandang Principal K. ''Sakit talaga sa ulo ang mga Fvcker!'' sigaw nito sabay hampas sa lamesa kaya naman nagulat kaming lahat. ''Aexl, tell me. Mana ka rin ba sa tatay mong si Andrei? Alam mo ba noong mga kapanahunan ng tatay mo ay kagaya mo rin siya? Kagaya mo rin siya na laging suki ng Office ko!'' sigaw ni Principal K hanggang sa napalingon kaming lahat nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang nakangiting si Dad pero halata naman ang pasa sa kaniyang pisngi. ''Hello Principal K. I miss you.'' Tumatawang sabi ni dad bago napatingin sa akin. ''Mr. Andrei, alam mo ba na Miss ka na rin ng ating Oval?'' nakangising sabi ni Principal kaya naman napasimangot si Dad. Lumapit sa amin si Dad bago umupo sa katapat na upuan ko. ''Hi there, young man.” bati nito sa akin. “Ano ba ang kaso natin?'' ''Nah, wala naman talaga akong kasalanan--'' pero natigil ako ng mapatingin ako kay Gwyneth. ''I-I mean, Oo may kasalanan ako pero kaunti lang''  ''Huwag mong bilugin ang ulo ko, Aexl,” wika ni Principal K. “Alam ko ang bituka mo lalo na at anak ka ni Andrei. Bakit ba hindi ka na lang nagmana sa nanay mong si Astrid?'' sabay hawak ni Principal K sa ulo niya.  ''Hoy Principal, namemersonal ka na ha. Alam mo ba na kapag nalahian ka ng kaguwapuhan ng isang Fvcker ay para ka na rin nanalo sa lotto?" sabi ni Dad at nakipag-apir naman ako. ''That's my Dad." Sabi ko at tumawa naman si Dad. ''And that's my Son." ''And we are, the Fvckers." Sabay na sabi namin ni Dad habang tumatawa ''Andrei and Aexl Fvcker!'' nanggigigil na sigaw ni Principal kaya naman napa-ayos kami ni Dad. ''Okay, going back to our topic. Ano ba ang nangyari?'' seryosong tanong ni Dad. Tila namangha naman si Principal sa pinakitang iyon ni Dad kung kaya’t nagsalita ito. ''Marunong ka palang mag seryoso Mr. Andrei?'' nakangising tanong ni Principal. ''Oo naman Principal K.” tugon ni Dad. “Natuto akong magseryoso noong napangasawa ko ang asawa ko.''   ''Student Council President?'' tawag ni Principal kay Gwyneth. Tumayo naman si Gwyneth mula sa kaniyang pagkakaupo at napatingin si Dad sa kaniya. ''A pleasant morning to everyone. My name is Gwyneth Dela Rosa and I am the student council President in this School. As a President, my job here is to---” ''Miss,” pagputol ni Dad. “Tama na, ang dami mo nang sinasabi ayaw mo pang I-direct to the point'' sabi ni Dad at natigilan naman si Pres bago nakahawak sa noong napailing na lang si Principal.  ''Okay, Mr. Andrei. Nakita ko kasi na nakikipaghalikan ang anak nyo kay Ms. Escober sa may corridor and ayon sa Book of Rules and Regulations ng school na ito ay mali ang kanilang ginawa dahil eskwelahan ito Mr. Fvcker, pag-aaral dapat ang inaatupag nila at hindi iyang pinaggagawa nila''  ''Is that true, Aexl?'' seryosong tanong ni Dad.  ''W-well, yes.'' Mahinang sagot ko pero nagulat ako sa naging reaction ni Dad. ''That’s my son! I’m so proud of you.'' Sigaw nito bago tumayo at aktong yayakapin ako kaya naman lalong nagalit si Principal K. ''Mister Andrei Fvcker!'' sigaw ni Principal at nakangiti namang napalingon sa kaniya si Dad. ''Principal K.” nakangiting tawag ni Dad. “See? Manang mana sa akin ang anak ko. I'm a proud Dad.'' ''Proud ka?” tanong ni Principal. “Bakit hindi natin sulitin ang pagkamana sa’yo ng anak mo?'' ''You three," sabay turo ni Principal K kina Gwyneth, Janella at Cloud. ''Maglilinis kayo ng oval for one week at para sa’yo Mr. Fvcker, two weeks." ''What?” gulat na sigaw ko. “You can’t do that to me, Principal K. My name is Aexl John, the Grandson of Mr. Zyril Ace who is the owner of this school!'' sigaw ko at lalong napangiti si Dad habang pumapalakpak. ''See that, Principal?” wika ni Dad. “Ganiyan din ang reaction na pinakita ko sa inyo noon. Oh God! You really make me proud my Son.'' ''Wala akong pakialam kung apo ka pa ng Hari. Ngayon, makakaalis na kayong lahat lalong lalo na kayong mag-ama! Sana lamang ay huwag na kayong bumalik!'' sabi sa amin ni Principal K ng biglang bumukas ang pinto. ''Hi Lola,'' Bati ng isang estudyante. Oh, she's Shyna. ''Come in, my Grand Daughter.'' Sabi ni Principal nang biglang napalingon sa akin si Shyna at lumawak ang ngiti nito.  ''Oh my God, Aexl!" sigaw nito at kaagad na nagtatakbo palapit sa akin bago ako niyakap kaya naman nataranta ako nang biglang sumama ang tingin sa akin ni Principal. ''Baby Aexl, I'm glad na nandito ka. Kailan mo ulit ako i de-date, Baby?'' kinikilig na sabi nito at pasugod na din sana si Janella pero kaagad akong kumawala sa pagkakayakap niya nang biglang hinampas ni Principal K ang kaniyang lamesa.  ''Mygad!” hindi makapaniwalang wika ni Principal K. “Mr. Aexl, pati ba naman ang apo ko?'' at napapikit naman ako. Hindi ko kasalanan! Sila ang nag offer na landiin ko sila. Biktima lang din ako! ''P-Principal.'' Natatakot na tawag ko nang biglang dumilim ang mukha niya. ''Tatlong linggo nang paglilinis para sa ‘yo Mr. Aexl and that’s final!'' sigaw nito bago lumapit sa amin at kinaladkad ang apo niya palabas. Nang makalabas na kami sa office ni Principal ay nauna nang umalis si Pres at sinabi niya na magsisimula na raw siyang magwalis. ''Janella, Cloud,” tawag ko. “Mauna na kayo, sasamahan ko lang si Dad.'' sumasakit na ulong sabi ko ''B-but babe--'' ''Please Janella',' sabi ko at nakasimangot naman siyang tumango. Hinatid ko si Dad sa may parking lot nang may naalala ako. ''Dad?'' ''Yes, Son? '' nakangiting tugon nito. ''Saan nga pala galing iyang pasá niyo?'' tanong ko. Kakamot-kamot naman siya ng ulo bago sumagot. ''Iisa lang naman ang puwedeng gumawa nito sakin, Anak. Iisa lang naman ang boksingera sa bahay natin.'' sabi nito na ikinatawa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD