Yvie's POV Kung kapatid ko lang 'tong si Ashie talagang patutulugin ko 'to sa drive way eh. Iinom ng hindi naman pala kaya. Hinihingal talaga ko ng maibagsak namin sya sa kama nya at ngayon pinapanuod ko si Ma'am Russell na inaalis yung sapatos nya pagkatapos ay yung cardigan nya. Napangiwi ako. Hindi ko pinaranas kay Mommy 'tong uuwi ako ng lasing kahit nung college dahil nakakahiya. Ashie open half of eyes at mukhang namukhaan nya yung nag aasikaso sa kanya. "Napakashishinungaling ng mga Arcelo na yan Mommy!" Deklara nya habang winawasiwas yung kamay nya sa ere. Aba't sira ulo 'to ah! Nag pursue lang yung Ate ko ng pangarap nya sinungaling na. Pasalamat sya nandito na kami sa bahay nila nang malaman ko na si Ate yung dahilan ng paglalasing nya kung hindi kanina palang sa sasakyan ni

