Yvie's POV Haist! Sobrang nangangalay yung katawan ko sa pagod. Sa mga pinsan ako ni Andrea na papagod nanadya sila sa dami ng inuutos nila sa akin at inaabuso nila ko dahil 2 weeks ng hindi pa pumapasok yung mga biyenan ko, kung hindi ko lang mahal yung pinsan nila baka may tig iisang suntok pa sakin yung mga yun. Nakaupo sa isang waiting shed dahil nagpasundo na ko sa kaibigan ko. Hindi ko na talaga kayang magbiyahe pauwi at sobrang traffic pa. Nagulat ako ng may kumalabit sa balikat ko. Napasimangot ako dahil yung magpipinsan na naman...ang sarap buwagin! "Sumabay ka na sa amin...." alok ni Cielo. Napaikot na yung mata ko. "No way! Mamaya dalhin nyo na naman ako sa kung saan..." nakasimangot kong sabi. Napatawa si Orange. Napakabully talaga. Sina Audrey at Humprey tahimik lang na

