Andrea's POV Natatawa ako sa itsura ni Yvie habang nakasunod kami sa magulang ko papasok ng bahay namin. "Relax...." bulong ko sa kanya. Alanganing ngumiti sya. Bakit kase naisipan nyang maghalf day tapos aabangan naman nya ko sa mismong tapat ng bahay namin? Ang daming alam nitong babaeng 'to. Pagpasok namin sa loob, pinaupo ko sya sa salas at nagpaalam ako na magpapalit lang ng damit ko. Hinubad ko yung office attire ko at namimili na ko ng susuotin. Napakagat ako ng labi ko dahil nahihirapan akong pumili. Dati okay lang naman kahit ano pero bakit ngayon.... "Nahihirapan mamili yung dalaga ko...." natatawang sabi ni Mommy ng pumasok sya ng kwarto ko at ng matanaw nya ko sa harap ng walk in closet ko. Namula yung mukha ko sa hiya dahil sa mga tinginan ni Mommy ay tinutukso nya ko.

