Yvie's POV
Nakasimangot yung Baba ni Andy habang niluluwagan nya yung pintuan ng main door nila habang nakatingin sa bagay na bitbit ko. Sabi kase ni Andy na paborito ito ng Baba nya.
This is the first time na makakapasok ako sa bahay nila pero habang naglalakad ako feeling ko ang liit liit ko dahil nanghihina na yung tuhod ko sa kaba.
"You are here! Helga's daughther..." nakangiting bati sakin ng Tita Russel ni Andy.
"G-Good...." ow my ghad hindi ako makapagcompose ng salita ko. Kaya napatawa yung Tita nya at inakbayan nya ko.
"Relax Yvie....hindi ka nila mapapatay...go with the flow ka lang...kung ano yung sabihin ni Dom at ni Ronby go lang...." bulong nya sakin habang natatawa kaya napatango ako.
"And beside I admire you kase ikaw lang ang naglakas ng loob na tumuntong sa pamamahay na 'to para manligaw..." sabi nya bago kinuha yung bitbit kong puto at dinala sa kusina.
"You may sit down Ms. Arcelo." Tinig ng Mommy ni Andrea habang pababa ng hagdanan. Paglingon ko naman sa gilid ko talagang hindi maipinta yung mukha ng baba nya.
Pero sabi ng Mommy nya umupo daw ako kaya naupo nako kase promise wala ng lakas yung mga tuhod ko.
"Andyan na si Russel?" Tanong ng Ma'am Dom dun sa asawa nito.
Tumango lang yung Baba ni Andrea. Ma'am Dominique smiled sweetly to her for assurance to be relax and everything will be alright. When Ma'am Dominique hold Miss Ronby's hand talagang mararamdaman mo na hindi kumupas yung pagmamahal nila sa isa't isa kahit matagal na silang mag asawa. Parang mag girlfriend parin sila. Sana ganyan din kami ni Andy kapag sasalubungin namin yung pagtanda namin.
Hinila nya yung asawa nya at naupo sa sofa katapatan ko. Heto tagaktak na yung pawis ko kahit nakacentralize aircon pa yung buong bahay nila. Papa G help me! Promise magbabait na po ako, magiging mabuting anak po ako kina Mommy, hindi ko na po wawalang yain yung mga kapatid ko, magiging mabuting girlfriend po ako kay Andrea at higit sa lahat.....
"What the hell are you doing?" Doon ako nagulat sa tanong ng Baba nya kaya...
"Magiging mabuting daughter-in-law po ako sa inyo!" Biglang na-i-voice out ko.Hindi ko alam na magkadaop na pala yung mga palad ko na para bang nagdadasal sa simbahan.
Sabay nanlaki yung mata nila sa pagkabigla din.
I'm dead!
Narinig ko yung malakas na halakhak ni Tita Russel!
"Oh! Gosh! I did'nt see it comming....Parang hindi din ako ready kung may manliligaw din sa mga anak ko. Sigurado ako Harra can kill..." natatawang sabi ni Tita Russel at tinabihan nya ko. Si Ashie po nanliligaw na lol yan sana yung gusto kong sabihin.
"Can you just be in your mind? Wag mo akong sagarin....my daughter told me that you are nice person kaya heto we are giving you just one shot! Remember just one shot! Pakiusap lang ito ng anak ko." saad ng Baba nya at ewan parang napangiti ako sa saya.
"Don't worry Baba handa po akong patunayan sa inyo na mahal ko po talaga yung anak nyo...." saad ko.
"What the hell! Don't call me Baba or what! Hindi ka pa sinasagot ng anak ko....." maktol ni Baba tapos tawang tawa si Tita ni Andy.
"Nakailang girlfriend ka na?" Tanong ng Mommy ni Andy sa akin.
"Isa lang po..." sagot ko.
"Really?" Nakakunot ang noo ng Mommy nya.
"Don't ever try to lie with us young lady...gusto lang namin na manggaling mismo sa bibig mo yung totoo." Banta ni Baba.
Wala naman na talaga akong naging girlfriend since si Bianca.
"Totoo po...fling meron po." Pag aamin ko pero parang binibitay na ko sa paraan ng pagtitig nila sakin.
Napasapo ng noo yung Mommy ni Andy.
"Be honest with us Young Lady....para hanggat maaga ay alam namin yung karakas mo. Tell us everything..." seryosong saad ni Ma'am Dominique.
Kahit kabado ako sa magiging reaction nila ay nilakasan ko yung loob ko kase ito na yung pagkakataon ko para malinis ko yung image ko.
"Hindi ko po mabilang eh..." pag aamin ko at parang naliyo silang lahat sa sagot ko.
"Pzxfdabdnqjdnsbahd..." mahinang bulong ni Baba na parang napamura.
Yung mukha ng Mommy nya namumula na pero mukhang nagpipigil sa galit at panay buntong hininga.
Gusto ko ng maconfine sa hospital sa sobrang kaba ko!
"Ganito Yvie, hindi kaya medyo nabibigla ka lang sa anak namin..." panimula ng Mommy nya pero pinutol ko sya...
"Ma'am naramdaman nyo po ba dati yung ma-love at first sight? Yung tipong parang sa movie, yung nagslow motion yung paligid mo tapos sya lang yung nakikita mo at the same time yung puso mo para kang kinakausap na nagsasabi...sya na yun! Yan po yung naramdaman ko nung una ko pong nakita yung anak nyo.....hindi po ako perfect para sa anak nyo dahil napakadami ko pong maling ginawa dati na tinutuwid ko ngayon para kahit papaano maging presintable po akong tumayo sa buhay po ni Andy. Hindi po ako magsasawang ipakita sa inyo na mabuti po talaga yung hangarin ko sa anak nyo."
Hindi ko alam kung saan ko hinugot yung lakas ng loob ko para sabihin ang lahat ng iyon sa harap ng mga magulang nya. Never akong naging ganito ka-vocal regarding sa feelings ko lalo na kapag ito ay nakukwestyon!
"Do you really like my daughter?" Ngayon ay diretso na sa mga mata kong tanong ni Ma'am Dominique sa akin.
"Yes Ma'am!" Siguradong naisatinig kong sagot.
"Even if in stepping down in your position just to prove na hindi kapangyarihan lang ng mga Santillan yung habol mo para sa negosyo mo?" Naghahamong tanong sakin ng Mommy nya.
"Opo...I never been this sure in my whole life Ma'am." Sagot ko na diretso din sa mga mata nila.
"Magresign ka ngayon at mag apply ka sa Empire bilang secretary ko....that was your option to prove yourself to us....at ayokong malaman ito ng anak ko." Sabi ni Ma'am Dominique sa akin.
I can leave everything for Andy basta maging akin lang sya.
"Sige po Ma'am...expect me tomorrow to your office." Buo na talaga yung loob ko.
"And one thing....leave everything you have...cars, condo units, alahas maliban sa cellphone you can bring it. Lahat ng bagay na bigay ng mga magulang mo sayo bitawan mo and be a normal employee sa amin. Mas mababa ang posisyon mo sa mga pamangkin ko at sa anak ko kaya hindi ka basta basta makakalapit sa kanila kahit na secretary kita....kaya mo?" Tanong nya.
"Okay Ma'am....but soon po na matanggap nyo ko allow na po akong manligaw sa anak nyo?" Tanong ko. This is my shot! I will do everything!
"Okay. Soon na maibigay namin sayo yung basbas na iyon ay hindi ibig sabihin ay may passes ka ng saktan yung anak ko...hindi mo alam yung mga bagay na kaya kong gawin." Nakangising saad ni Ma'am Dom.
"Hindi po ako magpapakabaliw ng ganito kung pananakit lang po yung gusto ko....Ma'am gagawin ko po ang lahat.....just this shot.." saad ko.
"We are settle then....and one thing gusto ko sa bahay ng mga magulang mo ikaw uuwi. And stay away from the things na alam mong ayaw ng anak ko." At sumang ayon ako.
"Kaya mo yan bata...." nakangiting bulong sakin ng Tita Russel nya kaya napangiti din ako.
Masaya ako dahil hahayaan na nila kong maipakita sa kanila yung hangarin ko.
"Patatagan tayo!" Saad ng Baba nya ng ihatid nya ko sa may gate.
Ngumiti ako. Ito talagang in-law ko na to pakasungit.
"Baba naman, magiging mabait na in-law naman ako eh..." saad ko
"suntukin kita sa baba gusto mo?" Nakasimangot nyang sabi.
"Baba naman..." nakanguso kong saad.
"Pahihirapan kita hanggang sa sumuko ka..." at pinagsaraduhan nya ko ng gate.
Napangiwi ako.
Magpahirapan na lang kami hahahaha akala ba nila susukuan ko yung unica hija nila? No way!
Magugustuhan din nila ko! Tiwala lang!
.........