Yvie's POV Nasa mall ako ngayon dahil may pinabibili si Mommy sa akin bago ako umuwi. Simula ng tumira ako sa bahay panay panay ang utos sa akin ng nanay ko na pwede naman nyang i-utos sa secretary nya. Hindi ko na alam kung paglalambing pa ba itong pinapagawa nya sakin o talagang gusto na nya kong mahirapan. Sayang saya sya ngayon dahil pinagbakasyon sya ng mga Santillan sa trabaho dahil bukod sa secretary na ko ng nanay ni Andy ay ako na din ang gagawa lahat ng pending ni Mommy sa Empire. Hindi ako makareklamo dahil ginusto ko naman ito. "Yvie!" Paglingon ko gusto kong kumaripas ng takbo. Tang ina si Miranda! Kunwari hindi ko sya nakita at magpapatay malisya akong lakad. Run Yvie Run! Kabayo ba itong babaeng 'to at nahabol talaga nya ko kahit nakaheels pa sya sa lagay na yan. "Ti

