Ace’s Point of View “Uy… holding hands!” Biro ni Diane ng makita kaming naglalakad ni Cheska sa downtown. Nahihiyang binitawan ko ang kamay niya. Kumunot ang noo ni Cheska at kumapit sa braso ko. “Nahihiya kang kasama ako?” tanong nito. “Hindi. Naiinis lang ako kapag nanunukso sila. Parang female version ni Marcus si Diane.” Nag-aadjust pa ako sa ideyang mayro’n na akong girlfriend at kambal. Malikot na nga ang dalawa sa tiyan ni Cheska. Minsan hindi siya makatulog dahil sa kakagalaw ng kambal. Madalas naiiyak siya sa sakit kapag nagsisimula na silang magsipaan. Pagkauwi namin galing hospital noong mabaril ako, iyak nang iyak si Cheska. Akala niya raw ako ang nawala. Sabi niya mahal niya raw ako. At sinabi ko din na mahal ko siya. Hindi lang ako showy. At ng gabing ‘yon, kahit hi

