KINABUKASAN... Nagising siya sa matinding sakit ng kanyang ulo na sinabayan pa ng nararamdaman niyang kirot mula sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. Nanunuyo na rin ang kanyang lalamunan dahil sa matinding lamig na nanggagaling sa aircon lalo pa't nakahubad siya. Nais na niyang bumangon para kumuha ng tubig sa water dispenser para makainom. Subalit, napakabigat ng talukap ng kanyang mga mata na hirap na hirap siyang idilat ito. Dumagdag pa ang malambot na kama na tila hinihigop ang kanyang katawan kaya hindi niya magawang bumangon. "Blake..." paos niyang tawag habang kinakapa ang unan kung saan nakahiga ang binata, bago siya nakatulog. Napabalikwas siya ng bangon nang mabatid na wala na ang binata sa kanyang tabi. Siya na lang mag-isa sa loob ng silid na iyon, kapiling ang bakas ng

