Sa isang luxury hotel dito sa Maynila na pagmamay-ari ng kapatid ng daddy ni Dylan, gaganapin ang reception ng kanilang kasal. Pinafully occupied iyon ni Dylan para sa lahat ng guest at binayaran ng buo ngunit kalahati lang ng bayad ang tinanggap ng tiyuhin. Kahapon pagdating nila dito sa hotel buong araw at buong gabi siyang pinabeauty rest ni Dylan para mahanda at marelax niya ang kanyang sarili. Pinahatidan lang siya ni Dylan ng pagkain at mga kailangan niya, ni hindi man lang siya nito pinababa. Maliban lang sa mga empleyado sa kompanya ni Dylan at mga empleyado niya din, na halos kasabayan lang nilang dumating sa hotel kahapon, wala na siyang alam kung anong oras dumating ang ibang guest. Pati mga magulang at kamag-anak ni Dylan hindi niya din alam kung anong oras ang mga ito nagsid

