FAST FORWARD... Nakatitig si Dylan sa portrait painting ni Kathy sa loob ng kanyang master's bedroom. "It's been five years since you left this house, Angela..." napangiti siya ng mapait. "Iho, nasa baba na si Berto!" ani ni Manang Rosa. "Pababa na ako, Manang!" tugon niya. Buong araw siyang pagod dahil sa dami ng kanyang inasikaso sa kanyang opisina. Tinapos niya lahat ng kanyang gagawin dahil hindi siya papasok kinabukasan. Laking pasasalamat niya kay Trixie dahil tinulungan siya nito. Hindi na niya kayang magmaneho kaya magpapahatid na lang siya kay Mang Berto pauwi sa Casa Monteverde. Umuwi na ang kaniyang Ate Samantha galing England. Sinundo ito ni Christian sa airport kaninang umaga at sa Casa Monteverde sila tumuloy. Nakatakda na ang kasal nina Christian at Samantha sa susunod

