~Blake's Point of View…~ NAKAUPO siya sa kawayang upuan malapit sa pinto ng isang maliit na silid ng floating cottage. Nagbibihis sa loob si Trixie at hinihintay niya itong lumabas. Nagkahanda na sina Dylan at Kathy na lisanin ang floating cottage. Ganoon din sina Vince at pinsan niyang si Sweetheart. Samantalang si Evan at Lea naman ay tila walang balak na umalis sa floating cottage. "Dude, alis na kami." paalam ni Vince. "Enjoy, dude!" nakangiting tugon niya rito. "You too, dude. Ingatan mo si Trix." bilin ni Vince. "Ingatan mo rin ang pinsan ko. Magalusan lang ang legs niyan makatikim ka ng sapak sa akin." biro niya. "You don't have to worry, insan... este dude! I'll take good care of your cousin." Bahagya pa siyang tinapik ni Vince sa balikat at tuluyang umalis sa harapan

