Katatapos lang ni Kathy maglinis ng katawan at magbihis ng pantulog. Wala na sa kanilang kwarto si Dylan. Kanina lang ay nakaupo ito sa kama at may tinitingnan sa laptop bago siya pumasok sa banyo. Kaya napagpasyahan niyang lumabas para hanapin ito. "Tulog na si Alexandra, ate. Matutulog na din ako." saad ni Maurice paglabas niya ng silid ni Dylan. Nakiusap si Maurice sa kanya na itatabi niya muna sa pagtulog si Alexandra. Pinagbigyan niya naman ito dahil alam niyang namimiss din ni Maurice ang anak niya. Ito kasi ang nag-alaga kay Alexandra noong mga panahong nasa hospital siya. "Good night, Maurice." tugon niya at hinalikan niya ito sa pisngi. Pagkababa niya sa may sala tinungo niya muna ang kusina para uminom ng tubig. Nataon naman na naroon si Crissanta at may hawak itong baso. "H

