Chapter 9 -Zen Levy- “Pinatunayan mo talaga na karapat dapat kang mafia lord ng aking pamilay, Zen Levy. Ang buong akala ko ay hindi mo nakita ang isang yon dahil sa nakatago s’ya kanina pa sa likuran ng iba pa nating tauhan. Pero ang bilis ng mata mong nakita yon, Anak.” Masayang sambit ni Daddy sa akin at tinapik pa ako sa balikat bago lumapit sa pinatay kong lalaki at may kinuhang devise sa suot nitong damit. Nagkatingin pa kaming lahat dahil sa hawak ni Daddy na isang devise na hindi pamilyar sa akin ngun’t sa kanila ay alam agad nila kung anong klaseng devise yon at kung paano iyon napapagana. Hanggang sa mabilis din ang naging paglapit nila Jack at Lhea at kinuha ang devise na hawak ni Daddy, walang akong narinig na kahit ano sa dalawa basta mabilis ang kilos ng mga ito na inilab

