NAKARAMDAM ng kakaibang pakiramdam si Adelentada nang masuyong haplusin ni Ruperto ang kanyang balikat. Sa paghaplos na iyon ng lalaki ay sumama ang strap ng suot niyang pantulog kaya naman nalaglag iyon. Nahantad tuloy ang kanyang kaliwang dibdib ngunit may suot naman siyang bra.
Akmang ibabalik niya ang strap ngunit pinigilan siya ni Ruperto. “`Wag, asawa ko…” anas nito.
“R-ruperto… ano bang gagawin natin?” tanong niya kahit may idea na siya kung ano ba ang gagawin nila.
Hindi sumagot si Ruperto bagkus ay hinalikan siya nito sa kanyang balikat paakyat sa kanyang leeg. Napakapit tuloy siya sa batok nito dahil sa kakaibang sensasyon na lumukob sa kanyang pagkatao. Naglakbay pa ang labi nito. Sa kanyang baba, pisngi hanggang sa dumako iyon sa kanyang labi. Tumigil ito doon at nagtama ang kanilang mga mata.
Unti-unti nang niyayakap si Adelentada ng apoy. Mas lalo pang nagpapadagdag sa init na nararamdaman niya ang mainit at mabangong hininga ni Ruperto.
Nag-usap ang kanilang mga mata.
At hindi na nga niya napigilan ang kanyang sarili. Siya na mismo ang kumabig sa batok ni Ruperto para tuluyang magdikit ang kanilang mga labi. Sinibasib niya ang labi nito na para bang isa iyong masarap na pagkain. Sinubukan siyang buhatin ni Ruperto pero tila hindi nito kaya ang bigat nito. Umalis na siya mula sa pagkakandong dito.
Itinulak niya si Ruperto sa kama at napahiga ito doon.
Nang-aakit na kinagat pa nito ang labi nito habang nakatingin sa kanya ang mapupungay nitong mga mata.
“Halika, Adelentada…” anito.
Walang pagdadalawang-isip na tumalon siya sa kama at bumagsak siya sa tabi ni Rueprto. Pumaibabaw sa kanya ang lalaki at naglakbay ang mga kamay nito sa lahat ng parte ng kanyang katawan.
Sa hita, pataas sa kanyang tiyan, sa kanyang dibdib at tumigil ang kamay nito sa kanyang leeg. Medyo nakaramdam ng pagkabahal si Adelentada nang maramdaman niya na medyo dumidiin ang kamay ni Ruperto sa kanyang leeg. Para bang sinasakal na siya nito.
“Ah… H-hindi ako makahinga…” Nahihirapan niyang sabi.
Inalis niya ang kamay nito sa kanyang leeg at ipinatong iyon sa kanyang p********e.
“Diyan na lang, asawa ko…” Ngingiti-ngiting turan niya.
Pero tila naguguluhan ang mukha na ibinalik ni Ruperto ang kamay nito sa kanyang leeg at muli siyang sinakal. Doon na siya tumayo at inayos ang sarili.
“M-magpapahangin lang ako sa labas…” aniya.
Nang tapunan niya ng tingin si Ruperto bago siya lumabas ng kanilang kwarto ay nakita niya na para bang naguguluhan ito. Hindi kaya may parte ng utak nito na naaalala kung ano ang dapat nitong gawin sa kanya kaya gusto siya nitong sakalin?
PAGBALIK ni Adelentada sa kanilang kwarto ay mahimbing nang natutulog si Ruperto. Malaki ang panghihinayang niya na hindi natuloy ang dapat sana ay gagawin nila kanina pero naisip din niya na mabuting hindi iyon natuloy. Malalaman kasi ni Ruperto na virgin pa rin siya. E, nasabi na niya dito na nag-honeymoon na sila. Mabubuko nito na nagsisinungaling siya.
Umupo siya sa gilid ng kama at masuyong pinagmasdan ang gwapong mukha ng lalaki. Ang gwapo-gwapo talaga nito at ang bata pa. Fresh! Kung totoong asawa nga lang niya ito, siya na ang pinaka masayang babae sa balat ng lupa!
Nasa ganoong pag-iisip si Adelentada nang biglang marinig niya ang patunog ng isang cellphone. Nanggagaling iyon sa kahon kung saan nakalagay ang mga gamit ni Ruperto na sa tingin niya ay hindi na nito ginagamit.
Tumayo siya at kinalkal ang kahon hanggang sa makita niya na may tumatawag sa cellphone nito. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang mabasa niya ang pangalan ng tumatawag.
Natasha! Basa niya sa kanyang utak.
Ang Ate Natasha niya ang tumtawag!
Dapat ko ba itong sagutin o hindi? Tanong niya sa sarili.
Ang totoo niyan ay gusto din niyang malaman kung sino ba ang Ate Natasha niya sa buhay ni Ruperto at kung bakit nagkaroon ng malaking utang na loob ito sa kapatid niya. Ito na siguro ang tamang panahon para mabigyan ng kasagutan ang kanyang mga katanungan.
Tahimik at nagmamadali na lumabas ulit siya ng kwarto. Lumabas na rin siya ng bahay dahil baka magising si Ruperto. Mahuli pa siya nito.
Nanginginig ang mga kamay na sinagot niya ang tawag.
“Hello, bebeboy?” Bungad ni Natasha.
Nanlaki ang mga mata ni Adelentada.
Bebeboy? Ibig bang sabihin nito ay may relasyon si Ruperto at ang kapatid niyang bruha?!
Sa pagkakataon na iyon ay sumagi sa isip ni Aldelentada ang mga ginawang pagsisinungaling sa kanya ni Natasha. Doon ay nakaramdam siya ng galit para sa kapatid. Nilinlang siya nito para sa pansarili nitong interes. Matagal na panahon siyang nagtiis na hindi makasama ang kanyang Lolo Vicente dahil sa kasinungalingan nito. Oras na para sa kanyang pagresbak!
“Bebeboy, bakit hindi ka nagsasalita? Ano ba?! Hello! Anybody on the line?”
“Ate!” sa wakas ay nagsalita na rin siya.
Talagang tinapangan niya ang kanyang boses.
Mahabang katahimikan ang narinig niya sa kabilang linya.
“Ate!!!” Ulit niya. Mas malakas. “O, ikaw naman ang hindi diyan nakapagsalita?”
“E, paanong hindi ako makakapagsalita, naboboses babae ka! Tapos tinatawag mo pa akong ate! Ano bang trip mo ngayon, bebeboy?”
Malakas siyang tumawa. “Nahihibang ka na, ate!”
“Hoy, Ruperto! `Wag mo akong tawaging nahihibang! Ang bastos ng bunganga mo ngayon, ha! Baka nakakalimutan mo na kung hindi dahil sa akin ay mandurukot ka pa rin sa lansangan. Hayop na `to! Ano na? Nagawa mo na ba ang pinapagawa ko?!”
Hinayaan lang niya na magsalita nang magsalita ang kapatid niya. Agad niyang pinindot ang record button sa pagkakataon na iyon.
“Anong pinapagawa?” tanong pa niya.
“Nagkaroon ka ba ng amnesia, Ruperto?! Ako nanggigigil na ako sa’yo, ha! Nagawa mo na bang patayin ang kapatid kong si Adelentada! Aba, ang tagal-tagal na ay hindi mo pa yata napapatay ang hinayupak na iyon! Bilisan mo na diyan at unti-unti ko na ring nilalasaon dito si Lolo Vicente para sabay na silang mamatay ng mahal niyang apo!” At tumawa pa ito na parang isang demonyita.
“Hayop ka, ate! Huwag na huwag mong gagalawin si lolo!” Hindi na napigilan ni Adelentada ang kanyang emosyon nang sabihin ng kapaid niya na nilalason nito ang kanilang lolo.
“Teka nga! Kung hindi ikaw si Ruperto na nagboboses babae, sino ka ba talaga?!” Naiiritang tanong ni Natasha.
Naluluha na huminga siya nang malalim. “Sa tagal na ng panahon ay tila nakalimutan mo na ang aking boses, Ate Natasha… Hindi mo ba talaga ako nakikilala?”
“Magtatanong ba ako kung alam ko? Gaga!”
“Mas gaga ka, ate! Ako ito! Ang nag-iisa mong kapatid!”
“A-adelentada?!” Hindi makapaniwalang sagot ni Natasha.
“Ako nga, ate! Ngayon, alam ko na lahat ng kasinungalingan mo. Humanda ka sa muli nating paghaharap!”
“Adelen--”
Hindi na niya pinatapos sa pagsasalita si Natasha at pinutol na niya ang tawag na iyon. Pinatay na rin niya ang cellphone upang hindi na nito magawang tumawag ulit.
Pakiramdam niya ay tumakbo siya nang sobrang layo sa paraan ng kanyang paghinga. Siguro, matatanggap niya na ipapatay siya ng kaniyang kapatid pero para patayin din nito ang kanilang lolo na nag-alaga sa kanila ay isang hindi katanggap-tanggap na bagay.
“Humanda ka, ate! Ilalagay kita sa dapat mong kalagyan!” Sumpa pa niya.
MULING idi-nial ni Natasha ang number ni Ruperto ngunit nakapatay na ito. Nauupos na napaupo siya sa mamahaling couch na nasa kanyang silid. Totoo ba ang lahat ng nangyari kani-kanina lang? Si Adelentada nga ba ang kanyang nakausap sa cellphone? At ayon dito ay alam na nito ang lahat ng kasinungalingan niya. Ngunit paanong ito ang may hawak ng cellphone ni Ruperto?
Isa lang ang ibig sabihin niyon…
Hindi pa rin nagagawa ni Ruperto ang misyon nito. Buhay pa rin ang kapatid niya!
“Wala kang silbi, Rupertooo!!!” Malakas na sigaw niya sabay bato ng kanyang cellphone sa dingding. Nagkapira-piraso iyon ay kumalat sa sahig.
Nanlilisik ang mga mata na tumayo siya. “Kung totoong babalik ka na nga dito sa mansion, Adelentada, paghahandaan ko ang pagbabalik mo! Sasalubungin kita ng pagsalubong na hindi mo inaasahan!” aniya sabay halakhal nang malakas.
Binuksan niya ang drawer na malapit sa kanyang kama at kumuha ng isang bagong cellphone. Kailangan niyang i-inform ang kanyang kapatid na nasasabik na siya sa pagbabalik nito. Habang tumitipa siya ng mensahe ay isang mala-demonyong ngiti ang nakapaskil sa kanyang mga labi.
“Boom!” aniya pagka-send ng message.
NAGISING si Adelentada ng umagang iyon na nakayakap sa kanya si Ruperto. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa kanyang labi habang pinagmamasdan ang natutulog na lalaki. Masuyo niyang hinaplos ito sa pisngi. “Sayang nga lang at nauna pala si Ate Natasha sa iyo, siya pala talaga ang mahal mo, Ruperto… Pero ayos lang, hangga’t wala siya sa memorya mo, ako muna ang papalit diyan sa puso mo. Mahal na mahal kita…” bulong niya dito sabay halik sa noo nito.
Saktong paghalik niya dito ay gumalaw-galaw ang mata ni Ruperto at nagising ito. Ngumiti agad ito pagkakita sa kanya at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.
“Ang sarap naman gumising kapag ikaw agad ang nakikita, asawa ko…” ungot nito. “Mahal na mahal kita…” Ngumuso pa ito na para bang gusto nitong halikan niya nito.
Naiilang na inilayo niya ang mukha niya dito. “Asawa ko, kakagising ko lang. M-mabantot pa ang hininga ko. Mamaya na ang kiss. Okay?” aniya.
“Anong kiss? Hindi ako ki-kiss, asawa ko. Itinuturo ko `yong lamp shade kasi bukas pa, e, umaga na.”
“Ah, ganoon ba? Pasensiya na…” Napapahiyang sabi niya.
Masyado naman siyang assuming sa part na iyon.
“Pero kung gusto mo talagang i-kiss ako, edi, i-kiss mo ako!”
Napatili si Adelentada nang biglang umigpaw si Ruperto sabay patong sa ibabaw niya. Bigla siya nitong hinalikan sa labi. Noong una ay tututol sana siya dahil nahihiya siya. Hindi pa rin kasi siya nagto-toothbrush o mumog man lang tapos may kissing scene agad. Pero nang maramdaman niya ang mainit na dila ni Ruperto sa loob ng kanyang bibig ay kumalma siya. Sinabayan niya ang ritmo ng galaw ng bibig at dila nito. At nang matapos ang morning kiss na iyon ay kapwa sila nakangiti at humihingal.
“Hindi naman mabaho ang hininga mo, asawa ko, e… Ang sarap ng labi mo. Nakakabaliw ka!”
Pinaalis niya ito sa ibabaw niya at bumaba siya ng kama. “Binobola mo na naman ako, asawa ko, e!” Humahagikhik sa kilig na sambit niya.
“Totoo ang sinasabi ko.” Tumayo na rin ito para pumunta sa tabi niya. “Oo nga pala, asawa ko, sorry kagabi kung parang gusto kitang sakalin. Hindi ko kasi alam pero parang may sariling isip `yong mga kamay ko. Sorry talaga.”
Bigla siyang namutla. So, tama nga ang naisip niya kagabi kaya ganoon ang inakto nito. Paano ba niya sasabihin na iyon naman talaga ang gagawin nito bago ito magkaroon ng amnesia-- ang patayin siya.
“Ah, eh… Okay lang, asawa ko. Baka may muscle lang o ugat na naipit sa kamay mo kaya kumikilos iyan ng kanya. Hayaan mo, sa susunod ay sasamahan kita sa ospital para ipa-check iyan. Ang mabuti pa siguro ay mag-almusal na tayo.”
“Siguro nga, asawa ko. Sige, medyo gutom na rin ako, e,” anito.
HINDI muna niya pinapunta sa laundry shop si Ruperto ng araw na iyon. Sinabihan niya na magpahinga muna ito sa bahay at wala na namang ipis o daga sa shop. Ngunit ginawa lang niya iyon para makausap niya sina Odessa at Maxima nang hindi nito naririnig ang pag-uusapan nila. Tungkol kasi iyon sa kapatid niyang si Natasha at ang plano niyang pakikipagharap dito.
Sinabi niya sa dalawang bakla na nagkausap silang muli ng kanyang kapatid at sinabi rin niya sa dalawa ang lahat ng napag-usapan nila.
“Naku! Napaka sama naman pala talaga ng kapatid mo, ate! Bukod pala sa’yo ay papatayin din niya ang lolo niyo! Napaka hayop!”
“Sinabi mo pa, Odessa!” sang-ayon ni Maxima sa sinabi ni Odessa. “Para siyang kontrabida sa mga soap opera! Nakakagigil! So, ano na ang plano mo ngayon, ate? Kung ako sa’yo gamitin mo iyong recorded call niyong dalawa. Malakas na ebidensiya iyon laban sa kanya. For sure, sa kulungan ang bagsak niya!”
“Iyon din naman talaga ang balak ko mga bakla. Kaya lang ang inaalala ko ay si Lolo Vicente. Kailangan kong mailayo siya kay Ate Natasha bago may mangyaring masama sa kanya…” Nag-aalala talaga siya sa kanyang lolo. Kung pwede nga lang na lumipad siya at puntahan ito ngayon ay gagawin niya.
“Ano kaya kung sumugod tayo sa mansion niyo, ate. Tapos magsama tayo ng maraming pulis! Naku, ratratin iyang ate mo. Tepok `yon!”
“Ang morbid mo naman, Maxima!” aniya. “Kahit ang sama-sama ni Ate Natasha ay kapatid ko pa rin siya. Magkadugo pa rin kami at galing pa rin kami sa iisang pekpek. Hindi ko ninais na mamatay siya sa kabila ng kanyang mga nagawa. Ang gusto ko lang ay ang pagbayaran niya sa makatao at legal na paraan lahat ng kasalanan niya.”
Biglang binatukan ni Odessa si Maxima. “Wala ka kasing pusong bakla ka!”
“Sorry naman. Joke lang naman iyon. Masyado naman kayong serious!”
“So, kailan ka babalik ng mansion, ate?” tanong sa kanya ni Odessa.
“Hindi ko alam. Naguguluhan pa rin ako sa ngayon…”
Wala sa sarili na hinugot niya sa kanyang bulsa ang cellphone ni Ruperto. Simula nang tumawag ang kapatid niya doon ay palagi na niyang dala iyon. Mahirap kung iiwanan niya iyon sa bahay tapos naroon si Ruperto. Baka makita nito iyon. Malay ba niya kung marunong pa palang gumamit ng cellphone si Ruperto kahit may amnesia ito. Baka magkausap pa ito at ang Ate Natasha niya. Dahil kapag nangyari iyon, katapusan na ng maliligayang araw niya.
Binuhay niya ang cellphone at isang text message mula sa unregistered number pumasok.
“Iyan ba `yong cellphone ni Ruperto, ate?” Usyuso ni Odessa.
Hindi niya ito pinansin.
In-open niya ang message at binasa. Nalaman niya na galing iyon kay Natasha.
Gusto na rin kitang makita, kapatid ko! Pero ngayong alam mo na ang balak ko kay Lolo Vicente, alam kong gusto mo na siyang kunin sa akin. Sige, hindi ko na papatayin ang lolo natin. Ibabalik ko na siya sa iyo kapalit ng hindi mo pagsusumbong sa mga pulis. Kung gusto mong kunin si Lolo Vicente, magkita tayo sa vacation house kung saan ka dinala ni Ruperto sa darating na Sabado. Anytime sa araw na iyon ay naroon kami ni Lolo Vicente. Ang gusto ko ay ikaw lang ang pupunta. Dapat ay mag-isa ka lang. Dahil oras na malaman kong may kasama ka, baka ituloy ko na lang ang balak kong pagpatay sa lolo natin. Nasasabik na akong makita ka, mahal kong kapatid!
“Ate, okay ka lang?” Nag-aalalang tanong ni Maxima at Odessa sa kanya matapos niyang mabasa ang text message ng kapatid niya. Hindi niya kasi alam kung nagsasabi ba ito ng totoo o echos lang nito ang lahat ng iyon.
“S-si Ate Natasha… G-gusto niyang makipagkita sa akin. Ibibigay na raw niya sa akin si Lolo Vicente!” nanginginig na sagot niya.