*** Taliwas sa inaasahan ng ilan, naging smooth ang pagsisimula rehearsals kasama ang bagong gaganap kay Cleo. Ang eni-expect kasi ng karamihan ay mahihirapan sila dahil nga sa biglaang pagpapalit ng babaeng bida. Idagdag pa na kilala itong model-singer-actress, iniisip ng iba na baka mag-request ito ng mga nais nitong baguhin. Mukha kasing maselan ang babaeng ipinalit kay Camille. Pero, nagkamali sila dahil marunong itong makisama at madali lang nitong matutuhan ang mga routine at blocking na itinuturo nila. Nagsabi nga ito na willing itong mag-practice ng Sunday para mas mapabilis ito sa mga nais nitong habulin, at ang kung sino mang magtuturo ay babayaran nito ng doble sa overtime na ibinibigay ng teatro. Buong oras na nasa entablado si Eunice, nakamasid lang mu

