*** Nakapanghihinayang man para kay Teacher Bert na 'di siya ang kasama nina Janice at Sasha ngayon, masaya pa rin siya dahil alam niyang masaya ang mga ito. Iyon lang naman ang kaniyang rason sa paglapit kay Janice, ang makabawi sa naging kasalanan niya rito, ilang taon na ang nakararaan. Nakilala mang guro sa preschool na pinapasukan ni Sasha, isa talagang lisensiyadong doktor sa pag-iisip si Albert o mas kilalang Dr. Rosales. Halos isang taon na rin siya sa kaniyang 'pagbabakasyon', at sa buong panahon na iyon, pinili niyang maging volunteer sa Lavender Preschool. Ngunit kamakailan lang, napagdesisyunan niyang magbalik sa kaniyang tunay na propesyon. Sa kabila niyon, hindi pa rin niya binibitiwan ang pagtuturo sa naturang eskuwelahan. Ginawan na lamang niya ng paraan ang kaniyang sc

