[Pagpapatuloy] Sa totoo lamang, hindi ito masisisi ni Janice. Normal lang ang naging reaksyon nito. Noong umalis kasi ang kanilang ina, ang kuya nila ang unang namulat sa katotohanan. Ito ang sumalo ng responsibilidad na naiwan ng ilaw ng kanilang tahanan. Kung may dapat mang sumama ang loob sa kanilang ina, ang kuya niya ang pinaka-maykarapatan. Sino bang anak ang matutuwa na basta na lamang mapabayaan? Ang babaeng inaasahan nilang magpapalaki sa kanila ang magbibigay ng buong pagmamahal, sa isang iglap bigla na lamang nawala sa buhay nila. Noong mangyari iyon, kahit siya, bahagyang nagdilim ang tingin sa mundo. Pakiramdam niya nga noon, bukod kay Mama Bella, ay wala na siyang ibang naging ina. Kaya nga hanggang ngayon ay mahalaga pa rin sa kaniya ang adoptiv

