*** [Pagpapatuloy] "Baliw ka ba? Nasaan na naman ba ang kotse mo? Nasa mga alaga mo na namang goldfish, ano?" Pinanlakihan tuloy siya ng mata ni Noel. "Empresses ang pangalan nila, hindi goldfish," pagtatanggol nito sa mga ‘yon. Sa kabila ng pag-aasaran nila, 'di naman siya tinantanan ng kaniyang batang manager patungkol sa magiging lakad niya. Para na nga itong imbestigador na masyadong mapangkilatis at maraming nalalaman. "Saan ka nga ba talaga pupunta?" Napahawak pa ito sa baba at muli siyang pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. "Kapag ganiyan ang ayos mo, palagi akong kinakabahan. Para ka kasing may gagawing kahindik-hindik na krimen," pahayag nito. "Magtigil ka nga! Wala kang pakialam kung saan ko balak magpunta! Manahimik ka riyan kung ayaw mong pababain kita rito sa ex

