HINDI na yata ako nakatulog no'n dahil sa sobrang excitement. Tulog pa ang katabi ko, abala na ako sa pag-iempake. Halos lahat ng damit ko ay isinilid ko sa bag. Pagkuwa'y ini-ready ko na rin ang sarili ko. Naligo na ako at nagbihis. "M-Maaga ako!" gulat at kabadong bulalas ko nang pagbukas ko ng pinto ng banyo ay nakita ko si Jass na nakaupo sa gilid ng kama. Aba'y gising na rin pala. Agang-aga parang bad mood agad. Masama ang tinging nakapukol sa 'kin. Wala pa rin itong suot na damit pang-itaas dahil sa nangyari sa amin kagabi. Ni hindi ko nga alam kung nakapagdamit pa siya. Pagkatapos kasi ay bigla na lang siyang nahiga at nakatulog. Hindi ko naman na siya inintindi matapos niyon. "Ang aga pa. Wala pang araw," aniya sa baritonong boses. "G-Gusto kong maaga umalis eh, para hindi mai

