PASALAMAT ako't no'ng hapon ding iyon ay nagpaalam na ang aking mga biyenan. Kunwari pang inihatid namin ang mga ito ni Jass nang nakangiti sa isa't isa. Nakakapit pa siya sa beywang ko. Ewan ko kung bakit kailangan niya pang gawin iyon eh lantaran naman kung itanggi niya sa magulang ang pagkakaroon namin ng anak sa lalong madaling panahon. Nang makaalis na ang sasakyan ng mga ito, at tuluyan nang naisara ang gate ay biglang kalas namin sa isa't isa. Parang diring-diri si Jass sa akin. Hindi na ito nagsalita pa at umalis na ito sa harapan ko. Pumasok na sa loob. Makaraan ng ilang segundo ay sumunod din ako. Nagpang-abutan pa kami sa hagdan. "Get your things now," masungit na utos nito. Walang emosyon at kibong sumunod na lang ako. Tahimik din ako hanggang sa loob ng kuwarto niya at

