ALAM kong nakaidlip na ako no'n nang may maramdamang kamay na dumantay sa aking noo. Napalunok ako dahil sa bigla at napamulat ng mata. Ngunit hindi ako agad nakakilos dahil tumagal ang kamay na iyon nang ilang segundo sa may noo ko. Parang sinasalat maigi kung mainit ba iyon. Then I heard an audible gasp. May nasamyo pa nga akong hangin. I liked the scent. Minty na may nasama pang men's perfume. 'Men's perfume?' "Wala naman eh. Si Mina talaga." Lalo akong hindi nakakilos. S-Si Jass ba 'yon? Hindi ako maaaring magkamali. Kilala ko ang boses niya. Why? Sinabi talaga ni Mina na masama ang pakiramdam ko? Concerned ba siya sa akin? What for? Dahil natatakot siyang malaman ni Tatay kapag nagkasakit ako? But there's a part of me na bigla namang natuwa dahil sa kaniyang ginawa. 'No, Je

