KAHIT ano'ng ganda ng nakikita ng aking mga mata ay balewala rin dahil parang unti-unting ginagapos ang aking puso. Nandito na kami ngayon sa sinasabing resthouse nila sa Batangas. Facing the nearly setting sun and the deep blue sea, parang gusto ko na lang ding lumubog mula sa aking kinatatayuan. Dinala ni Jass sa pinakamalaking kuwarto ang aming mga gamit. Tumawag pa siya sa mga magulang para ipakita na naroon na kami. His mom was so happy at pauwi na raw ang mga ito sa mansion sa Cavite. Bumuti na raw ang lagay. Hanggang ngayon, nasa isip ko pa rin ang huli niyang mga sinabi kanina. If I could just escape... At muli nabuhay ang sama ng loob ko kay Tatay. Naisip niya kaya kung gaano kahirap itong sitwasyong pinilit niya akong ipasok? Naatim niya na ipagamit ang katawan ko sa taong h

