Sa States talaga nakatira sina Tita Ada at Tito Albert. Kasama nila si Gigi, their adopted daughter. Pero dahil may mga papeles silang kailangang asikasuhin dito sa Pilipinas, nauna na munang bumalik sa ibang bansa si Gigi. Busy lang daw sila talaga ngayon pero ang sabi ni Tita Ada bago binaba ang tawag, sa susunod na linggo ay dadalaw sila rito sa unit ni PJ. “Naku, Iaree. Sinasabi ko sa ‘yo, mag-ingat ka rito sa kapatid ko.” Sisipain sana ni PJ si Kuya MJ pero agad itong nakaatras. Para pa rin silang mga bata kaya natawa ako. Dati kasi, kung hindi tulog si PJ, naaabutan ko silang nag-aasaran at nagkakapikunan ni Kuya MJ. Sila ang madalas na napapagalitan ng kanilang mga magulang. “Baka siya ang dapat mag-ingat,” confident kong sagot sabay palis ng buhok papalikod. Walang reaksyon

