When I first met Andrea, I had no idea that she was connected with PJ. I just saw her as a kind soul, someone who has a big heart. Kaya ang dali lang para sa ‘kin magtiwala sa kanya. Naisip ko pa ngang ipinadala siya ng Diyos sa ‘kin dahil talagang nagkataong pareho pa kami ng pupuntahan noong sandaling walang-wala ako. “Delayed ang flight ko noon kaya nag-alala ako kay Andrea. Pero sinabihan naman niya akong ayos lang siya dahil may pupuntahan din daw siya sa Batangas bago kami magkita. Tinanong ko kung sino pero ang sinabi lang niya ay dating kakilala. She didn’t want me to worry about her, and chatted me later on that she met a good friend who was also going to the same province—” “At ako ‘yon,” pagtatapos ko sa kanyang pangungusap. Hindi ko akalaing kaibigan din pala ang itinuring n

